KILALANIN: Ang mga nagwagi sa 37th Luna Awards

Hinirang bilang Best Actor si Daniel Padilla at Best Supporting Actor si Arjo Atayde sa naganap na 37th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines at Film Development Council of the Philippines.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

12/1/2019 12:47 PM
KILALANIN: Ang mga nagwagi sa 37th Luna Awards


Muling kinilala ng Film Academy of the Philippines at Film Development Council of the Philippines ang mga pelikula na nagpakitang gilas ngayong taon, sa naganap na Luna Awards 2019, nitong Sabado, November 30.

Nakuha ng dalawang Kapamilya actors na sina Daniel Padilla at Arjo Atayde ang Best Actor at Best Supporting Actor Awards, para sa kanilang pagganap sa The Hows of Us at Buybust.

Best Actress naman si Glaiza De Castro para sa kaniyang pagganap sa Liway, habang Best Supporting Actress Award naman ang inuwi ni Daria Ramirez mula sa pelikulang Signal Rock.

Best Director si Chito S. Roño dahil sa kaniyang internationally-acclaimed film na Signal Rock. Dinaluhan at tinanggap ng kaniyang lead actor na si Christian Bables ang award.

Tatlong parangal naman ang ibinigay sa pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral, bilang Best Sound Design, Best Musical Score, at ang major award na Best Picture.

Tig-dalawang awards din ang iginawad sa pelikulang Liway at Gusto Kita With All My Hypothalamus. Tinanggap ng Liway director na si Kip Oebanda ang Best Editing, Best Screenplay, habang ang lead actress ng Gusto Kita With All My Hypothalamus na si Iana Bernardez ang tumanggap ng Best Cinematography at Best Production Design Awards.

Para sa special awards, kinilala ang dalawang yumao nang direktor na sina Wenn Deramas at Soxie Topacio bilang Lamberto Avellana Memorial Awardees. Si Nova Villa naman ang nakatanggap ng Manuel De Leon Award for Exemplary Achievement Award, habang si Lily Monteverde ang nagkamit ng Fernando Poe Jr. Lifetime Achievement Award.

 

 

Taun-taon iginagawad ng FAP ang naturang award's night. Ito ang katumbas na pagkilala ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences, o ang Academy Awards ng United States.