Jerald Napoles, hindi pa handa maging ama

Para kay Jerald Napoles, masasayang ang ganda ng takbo ng career ni Kim Molina kung sakali mang mabuntis ito.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/1/2019 1:03 PM
Jerald Napoles, hindi pa handa maging ama


Photo credit: @iamjnapoles on Instagram

Aminado ang theater actor na si Jerald Napoles na kung hindid ahil sa former management team niyang APT Entertainment ay hindi siya mapupunta sa showbiz kaya medyo mahirap daw ang ginawa niyang pamamaalam sa kompanya para lumipat ng Viva.

“The hardest part in the decision is… napunta po ako sa showbiz because of APT, so sila po yung nagpasok sa akin. And then, I became friends with some of the people and the bosses even before na mag-artista ako.

“Kasi po napanood nila ako sa musical play, tapos do’n na po nila ako sinabihan na, ‘Gusto mo bang magpa-manage?’ Naalala ko, ang sabi ko no’n, ‘Sige ho, bahala kayo, wala naman akong alam dyan.’

“Kahit po sa theater, kahit saang kompanya, I tried to build relationships with at least 50 percent of the people there, so meron akong ganun sa APT, eight years din po kasi akong nag-stay do’n. Nagpaalam ako sa kanila nang maayos at masaya naman sila para sa akin,” litanya ni Jerald sa PUSH about his experience habang nasa APT.

Eh, ano naman ang reaksyon ni Kim Molina ngayong magkasama nasila sa Viva?

“Masaya siya… masaya siya. Kasi ano yon, eh, clingy yon, gusto niya lagi akong kasama. May mga events na rin na dalawa na kaming sumasalang.

“Saka yung love team namin, hindi mo agad huhusgahan, titingnan mo muna pero naka-irap ka. Tapos, ‘Ah okey, ganun pala sila, okey,’” natatawa niyang pahayag.

Kahit five years na ang relasyon nila ni Kim ay hindi pa raw sila nagli-live-in hanggang ngayon. Bigla tuloy namin siyang tinanong kung pina-practice ba nila ang safe sex at kaagad naman siyang napatango.

“Oo, dapat… dapat, kailangan,” walang kagatul-gatol niyang tugon.

Dagdag pa niya, “Walang reason para hindi siya i-practice especially now na mas maraming responsibilidad in terms of personal growth, so lalo ngayon kailangan.”

Takot ba siyang makabuo agad siya ng baby at magkaroon sila ng anak ni Kim?

“Actually, mas siya,eh. Mas nag-aalala ako for her, eh, kasi babae yon, eh. Pag may mabuo kasi siya yung siyam na buwang hihinto, eh. Nakabuo ako, kahit siyam na buwan nagtatrabaho pa rin ako. Ganun pa rin, eh, puwede pa ring makipag-inuman.

“Sayang yung opportunity niya kaya ako mismo ang nag-iingat sa kanya, tapos nag-blockbuster pa po siya. Magandang ma-maximize niya yon,kung ano yung kaya niyang i-maximize,” katwiran pa ni Jerald.