• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: ‘Write About Love’ director Crisanto Aquino not ashamed to admit that he started out as an extra in TV and film

EXCLUSIVE: ‘Write About Love’ director Crisanto Aquino not ashamed to admit that he started out as an extra in TV and film

‘Write About Love’ director Crisanto Aquino, madaming pinagdaanan bago naging director.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/9/2019 1:06 PM
EXCLUSIVE: ‘Write About Love’ director Crisanto Aquino not ashamed to admit that he started out as an extra in TV and film


Isa nang ganap na director ng pelikula ang Bachelor in Journalism graduate ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) na si Crisanto B. Aquino. Natupad na rin finally ang matagal na niyang pangarap na makapagdirek ng sariling pelikula via Write About Love.

Write About Love is produced by TBA Studios at isa ito sa official entries sa 2019 Metro Manila Film Festival na mapapanood simula December 25.

Ayon sa first time director na first time ding mapapasali sa MMFF, hindi naging madali ang kanyang pagsisimula bilang filmmaker.

“Nagstart ako sa production side sa Star Cinema. Three years po akong nag-PA (production assistant) then after that nag-script con (script continuity) and after that nag-AD (assistant director) na po ako.

“Long time AD po ako ni Direk Chito Roño kaya marami akong…when it comes to learning, sobrang dami kong natutunan sa kanya,” kuwento ng director kung paano siya nagsimula sa industriya.

Naging long time AD din daw siya ni Jerrold Tarog sa Heneral Luna, Goyo, at Bliss.

Pagkatapos ng maraming karanasan ay saka lang daw siyanag-decide na magdirek ng sariling pelikula.

“I decided na why not make my own film. Sobra ko siyang pangarap talaga na maging director pero hindi ko siya minadali, gusto kong pagdaanan yung (proseso).

“Sobra akong na-inspired kay Direk Cathy (Garcia-Molina), Direk Mae (Cruz), kay Direk Rory (Quintos). Kasi yung mga nag-start din as PA, script con, AD, kasi ang gagaling nila, eh.

“So parang sila yung parang naging inspiration ko and model na, ayokong magdirek agad nang hindi ko pinagdadaanan ito kasi gusto ko na alam ko talaga yung gagawin ko, which is really true. Nung nagdirek ako hindi ako gaanong nahirapan sa proseso kasi alam ko na yung gusto kong vision, alam ko nakung paano siyang gawin.

“So yon, sobra siyang nakatulong, na kailangang kung gusto mong marating yung taas, kailangan mo talagang unti-unting panhikin yon. Hindiyung diretso agad, na nando’n ka na agad,” tuluy-tuloy pa niyang pahayag.

Ibinahagi rin ni Direk Crisanto na bago mag-apply sa ABS-CBN noon ay sinubukan muna niyang mag-extra sa pelikula at teleserye.

Lahad niya, “Actually,nag-extra ako sa mga pelikula – yung talent. Nag-talent ako, yon talaga yung pinagsimulan ko. Kasi nung college nasa teatro ako at habang nagti-teatro ako yung mga ka-theater ko nag-i-extra sila kasi may mga kumokontak, so sumama ako.

“Nag-background talent ako sa Tabig Ilog, MMK, yung Mila ni Direk Joel Lamangan isa ako sa raliyesta don. So alam mo yon, from there bigla akong nagkaroon ng attraction at interes sa film. Parang sabi ko, someday parang gusto ko yung trabaho nila na nasa likod ng kamera.”

Samantala, taong 2016 nabuo ang idea ng Write About Love pero hindi raw ito originally intended for Metro Manila Film Festival.

“Nag-start kaming mag-shoot nito December last year (2018), tapos natapos kami February this year, so ang layo, hindi siya pinag-uusapan na dapat pang-filmfest. Nung una kasi naka-October siyang playdate, tapos yon nga, napag-usapan na why not let’s try to submit sa filmfest. Desisyon yon ng mga TBA bosses, eh,” wika pa niya.

Sinasabi ng ilang kritiko na dark horse ang Write About Love sa MMFF, pero confident ang director na papanoorin ito ng moviegoers dahil maganda ang kanyang material.

“Ako, ang pinanghahawakan ko pa rin yung ano niya, the way ikinuwento yung pelikula. It’s not the usual that we watch. It’s not the usual romcom na may pamilya, may confrontation, may break-up, may sampalan, hindi siya ganun, eh.

“Iba yung pagkalatag niya, yung pagkalatag niya kailangan mo lang silang subaybayan at panoorin yung journey nila bilang character – sobrang character driven siya. Gusto ko ring abangan ng mga tao yung treatment ng pelikula, iba yung kulay, iba yung size para makita ko yung dalawang world, ganun po,” pagmamalaki pa ng Write About Love director.