• Home
  • Fresh Scoops
  • Catriona Gray, nagbalik-tanaw sa kanyang Miss Universe moments

Catriona Gray, nagbalik-tanaw sa kanyang Miss Universe moments

Sa darating na December 8 gaganapin ang Miss Universe 2019 sa Atlanta, Georgia, USA kung saan ipapasa ni Catriona Gray ang titulo sa bagong Miss Universe.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/9/2019 1:12 PM
Catriona Gray, nagbalik-tanaw sa kanyang Miss Universe moments


Photo credit: @missuniverse on Instagram

Isang buwan bago ang pagsasalin ng korona ng Miss Universe, nagbalik-tanaw si Catriona Gray sa kanyang reign bilang present title holder.

Sa Instagram post ng Miss Universe Organization, isa-isang binalikan ng reigning Miss Universe ang mahahalagang moments niya sa pageant.

 

 

Kabilang na rito ang pagsagot niya sa 'Question and Answer' portion at paglalagay niya ng sariling lipstick backstage sa naganap na pageant.

Masaya rin na binalikan ni Catriona ang kanyang naging experience nang haranahin siya ng kanyang idolo na si Ne-yo.

Bukod sa highlight ng Miss Universe pageant, hindi rin malilimutan ng Pinay beauty queen ang kanyang naging karanasan na manirahan sa New York.

“It’s so crazy to think that I’ve been Miss Universe now for almost 10 months. If you would ask me two years ago or even five years ago, would I be here living in New York to be able to do anything that I’ve done with travel and to represent an amazing brand, and to be able to work with great organizations that make such contributions to the communities, I would have look at you and yeah, right.”

“But to have been given this amazing honor and opportunity, to represent not only my country but also represent all the 95 girls that I competed with, I’m part of the legacy of Miss Universe."

Sa darating na December 8 gaganapin ang Miss Universe 2019 sa Atlanta, Georgia, USA kung saan ipapasa ni Catriona Gray ang titulo sa bagong Miss Universe.