Regine Velasquez, may mensahe kay Morissette Amon

Nagbigay ng mensahe si Regine Velasquez para sa kapwa manga-awit na si Morissette Amon sa gitna ng kontrobersiyang pinagdadaanan nito.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/8/2019 8:34 AM
Regine Velasquez, may mensahe kay Morissette Amon


Photo credit: @itsmorissette IG

Nagbigay ng mensahe si Regine Velasquez para sa kapwa manga-awit na si Morissette Amon sa gitna ng kontrobersiyang pinagdadaanan nito.

Sa opening night ng Cinema One Originals Film Festival 2019 nitong Huwebes, kung saan tampok ang kanyang pelikula na "Yours Truly, Shirley", tumanggi ang Asia's Songbird na magbigay ng kanyang opinyon sa isyung kinakaharap ni Morissette, dahil umano ay wala siyang ideya rito.

"Alam mo, hindi ko alam kung anong nangyari so it's very hard for me to comment kasi wala ako talagang... I have no idea, actually," aniya.

Ngunit hiling ni Regine para sa nakababatang singer, "I hope that she's okay. I hope that... you know, sometimes, gano'n talaga, may pagdadaanan ka. I hope that God will give her the strength para mapagdaanan niya nang tama ito. Kasi ang hirap kasi ang bata pa niya."

 

 

Kamakailan ay mainit na pinag-usapan ang pag-back out umano ni Morissette sa birthday concert ng manga-await na si Kiel Alo sa Music Museum nitong Miyerkules.

READ: Morissette Amon, nag-walk out sa isang concert

Kasunod umano ito ng tila naging panayam ng ABS-CBN News reporter na si Mario Dumaual nang kamustahin Ito tungkol sa naka-alitang ama na si Amoy Amon.

Matatandaan na pinagusapan noon sa social media ang naging pagtutol nang ama ng singer sa pakikipag-relasyon nito sa nobyo na si Dave Lamar.

Sa panayam ng press kay Kiel, idinetalye nito ang tila naging dahilan ni Morissette sa biglaang pag-back out sa concert.

“Ang sabi lang naman po ni Sir Mario [Dumaual] ‘Kamusta kayo ng tatay mo?’, pero ‘yun nga pero siguro the right term would be hurt, na-hurt siya, ang term lang naman po ba ginamit ni Sir Mario, ‘di bale, Hindi naman matitiis ng isang ama ang kanyang anak’, tapos ayun, akala ko okay na,” ayon kay Kiel.

Idinetalye rin ni Kiel ang mga pangyayari sa backstage bago nagsimula ang kanilang show.

“Bago po ‘yung performance, with Ate Aira [Bermudez] narinig ko nalang po na inuntog daw ni Morissette ang ulo niya sa pader tapos umiyak ng umiyak, tapos hindi na siya naka-kanta,” pahayag pa ng singer.

Sa ngayon, umaasa ang mga fans ni Morissette na maging maayos rin ang lahat ng kanyang pinagdaraanan ngayon--isa na rito si Regine.

Ayon sa singer, sa pagkakilala nito kay Morissette ay mabuti itong tao.

"Mabait. She's a good girl. She's a really good girl. 'Yun ang pagkakakilala ko sa kanya. And I know her personally na ha. Hindi lang 'yung basta chika lang. Kasi nakakausap ko siya, nagtetext kami. She's a good girl," aniya.

SARAH AT MATTEO

Samantala, masaya naman ang "Dadalhin" hitmaker para sa engagement ng kapwa niya singer na si Sarah Geronimo sa nobyo nitong si Matteo Guidicelli.

READ: Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo are engaged

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I love you my love, now and forever. ❤️

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog) on

 

"I'm happy. Because whenever you hear a friend getting engaged, it's always a celebration. You're always... You cannot help but feel excited for them. Kasi pinagdaanan ko na 'yun. Na-engage din ako. Ang sarap talaga ng feeling, eh. Tapos lalagay na sila sa tahimik. It's wonderful," aniya.

Si Regine ay kasal sa singer-songwriter na si Ogie Alcasid. May isa silang anak, Nate, 7.

Nang tanungin kung personal niyang kilala si Matteo, sagot ng seasoned singer: "Yeah. I know him. I've talked to him. Not lately, though, kasi hindi ko siya [nakikita], but I know him."

"I'm happy for her.. I only wish the best for their relationship," patuloy ni Regine. "They've been together for five, six years, so I'm so happy. I know that... alam mo ang dami ng pinagdaanan ng relasyon na 'yan, so feeling ko parang wala nang makakapigil talaga. Ito na 'yun. Parang hindi nila papayagan na may mangyari pa sa relasyon nila after what they've gone through."

Nang mapag-usapan kung magni-ninang ba siya sa kasal ni Sarah at Matteo, ang siguradong sagot ni Regine: "Naman! Bilang pambansang ninang ako."

Panoorin ang buong panayam dito: