• Home
  • Fresh Scoops
  • Martin Del Rosario, magbabalik sa sequel ng ‘The Panti Sisters’

Martin Del Rosario, magbabalik sa sequel ng ‘The Panti Sisters’

Isa sa mga dapat abangan ng mga fans ay kung ano ang magiging bagong papel ni Martin Del Rosario sa sequel ng ‘The Panti Sisters.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

11/8/2019 10:54 AM
Martin Del Rosario, magbabalik sa sequel ng ‘The Panti Sisters’


Matapos ianunsyo ang nakamit na bagong record na mahigit 213 milyung pisong kinita ng pelikulang The Panti Sisters, masayang humarap sa press ang tatlong bida na sina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin Del Rosario.

Panti Sisters cast, masaya sa tagumpay ng pelikula

Ayon sa tatlo, looking forward na sila para sa paparating na part two ng kanilang pelikula. "Nung napanood namin, hindi malabong magkaroon e. Hinihingi talaga ng pelikula na magkaroon. Pero nung kami nung shinu-shoot namin 'yon, hindi naman namin ineexpect," kuwento ni Paolo.

Sinagot naman ni Martin kung makakasama siya sa sequel ng pelikula, matapos mamatay ang kaniyang karakter sa una.

"Ewan ko, pero possible naman since comedy ‘to, pwedeng lagyan ng fantasy, pero... sila Direk Jun (Lana) at Direk Perci (Intalan) na ang bahala. Pero sabi nila kasama pa rin," biglang naputol na pahayag ni Martin.

Gawa ng tagumpay ng The Panti Sisters sa takilya, "hoping, but not expecting" naman ang sinagot ni Christian nang hingan ng reaksyon sa pagkakataong mapasama sa Metro Manila Film Festival ang pelikula nila sa susunod na taon.

 

 

Sa ngayon, nasa 'brainstorming' stage pa lamang ang proyektong sequel ng The Panti Sisters kaya't wala pang ibang detalye ang naibahagi ng mga bida.