• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kent Gonzales admits he misses doing film after being introduced in ‘Kuwaresma’

EXCLUSIVE: Kent Gonzales admits he misses doing film after being introduced in ‘Kuwaresma’

Naghihintay pa rin si Kent Gonzales ng bagong project pagkatapos ng una niyang pelikula noong 2018.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/8/2019 10:35 AM
EXCLUSIVE: Kent Gonzales admits he misses doing film after being introduced in ‘Kuwaresma’


Photo credit: @_kentgonzales IG

Aminado ang aktor na si Kent Gonzales na pagkatapos ng first movie niyang Kuwaresma from Reality Entertainment na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at John Arcilla ay hindi na ulit siya nabigyan ng bagong movie.

Ipinalabas ang horror film na Kuwaresma noong May 2018. Ang pelikula ay mula sa direksyon ni Erik Matti.

Hindi ba siya nakaramdam ng disappointment na hindi agad siya nagkaroon ng follow-up movie after Kuwaresma?

Ani Kent, “Malungkot siya in a way kasi gusto ko po yung umarte, eh, yung paggawa ng film kasi masaya siya. Kaya siguro ako nalulungkot, nadi-disappoint kasi nami-miss ko yung feeling.

“I mean, since ngayon wala pa akong ginagawa, puro gym, pagpapaganda ng katawan at pagre-ready sa sarili, pero siyempre, gusto ko rin pong magtrabaho.”

Pero malaki naman ang tiwala niya sa kanyang management team na may magandang plano ito para sa kanya.

“I’m trying to be optimistic po. Alam ko rin naman kung ano yung kaya nila at kung gaano ka-capable po yung management ko. Alam ko din naman po na may something din sila someday na ibibigay sa akin and I’m patiently waiting din po,

“Ayokong mag-isip ng kahit anong negative. Ayoko ring i-down ang sarili ko sa sitwasyon kasi para sa akin hindi ako matutulungan pag hindi ako nag-focus sa bright side,” positibo pa niyang pananaw.

Bukod sa pagiging magaling na artista ay isa ring singer si Kent. Hindi ba niya naisip na mag-concentrate na lang muna sa pagkanta?

“Pinag-iisipan ko din naman po,” tugon niya. “Sa ngayon po kasi sa situation ko na medyo five months na rin akong wala pa ring follow-up project, siguro po… mas gusto ko po ngayon, kumbaga, mag-trust sa management po, kay Sir Dondon (Monteverde). Kasi alam ko naman po na magbubunga din po itong paghihintay ko and eventually alam kong may mangyayari din po na maganda,” pahayag pa ng binata.

When asked kung ano ang reaksyon niya na mas unang nagkaroon ng bagong pelikula ang kapatid niyang si Pam Gonzales na kasama din niya noon sa Kuwaresma, ani Kent, masaya raw siya para sa kapatid.

Si Pam ay kasama sa cast ng Santigwar.

“I’m happy for her because she’s my sister and she’s my best friend din po and sinusuportahan namin ang isa’t isa. Ayun po, I’m happy for her,” reaksyon pa niya.