• Home
  • Fresh Scoops
  • 'Deserve ng wider audience': Christian Bables, nagbigay ng opinyon tungkol sa ‘Metamorphosis’

'Deserve ng wider audience': Christian Bables, nagbigay ng opinyon tungkol sa ‘Metamorphosis’

Aminado mang nalungkot sa unang rating ng pelikulang ‘Metamorphosis,’ nagpapasalamat pa rin si Christian Bables sa huling desisyon ng MTRCB na bigyan ng R-16 ang pelikula.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

11/8/2019 10:54 AM
'Deserve ng wider audience': Christian Bables, nagbigay ng opinyon tungkol sa ‘Metamorphosis’


Nagbigay ng kaniyang opinyon ang award-winning actor na si Christian Bables tungkol sa pinag-usapang isyu sangkot ang pelikulang Metamorphosis ng Cinema One Originals Film Festival, at ang Movie and Television Review and Classification Board.

Kuwento ni Christian nalungkot siya nang mabalitaang nakatanggap ng X Rating mula sa MTRCB ang nasabing pelikula na tungkol sa mga intersex, o mga taong pinanganak na may parehong ari ng lalaki at babae.

READ: ‘Metamorphosis’ movie talks about the ‘I’ in LGBTQIA

"Kasi nabasa ko yung plot ng movie and very promising siya e. Wala pang ganun -- hindi pa naku-kwento yung kuwento ng mga intersex.

"I think yung mga ganitong klaseng kuwento na hindi pa naiikuwento ay deserve ng wider audience," paliwanag ng actor sa interview ng press sa The Panti Sisters Victory Party kahapon, November 7.

Nakatanggap ang naturang LGBTQIA-themed movie ng X Rating mula sa naunang board members ng MTRCB dahil sa "prolonged exposure of the private parts" at mahabang eksenang may "masturbation" ayon sa pahayag kay Chairwoman Rachel Arenas sa Inquirer.net.

Matapos depensahan ng direktor at writer na si Jose Enrique Tiglao ang kaniyang pelikula sa MTRCB, nakakuha ito ng R-16 na rating at ngayon ay bukas na sa mga manonood na may edad na 16 pataas.

READ: Cinema One Originals entry ‘Metamorphosis’ reclassified to R-16

 

 

"Ako personally siguro papasalamatan ko ang MTRCB for reconsidering dahil ako I believe yung mga ganitong klaseng istorya, are worth telling. Hindi porke mayroong sensitive scenes ay bastos na. May mga scenes na sumasalamin sa totoong buhay, sa totoong kuwento, which is [gaya] ng Metamorphosis," dagdag ni Christian.

Nang tanungin naman ang kapwa aktor ni Christian na si Paolo Ballesteros, sinabi niya na handa rin siyang ipaglaban ang kaniyang pelikula kung sa kaniyang pelikula nangyari ang parehas na sitwasyon.

"Naiintindihan ko rin naman yung (side) ng film. Siyempre kapag gumagawa ka ng film, yung passion mo, yung heart mo, yung vision mo, gusto mong [ipakita]. Kaya mo nga ginagawa at nagpupuyat ‘di ba?

"Kung ako yung producer siyempre ipaglalaban ko kasi vision ko 'yon e," paliwanag ni Paolo.

Pagpapatuloy pa ng proud gay actor, darating din ang panahon na ganap na matatanggap ang lahat ng parte ng LGBTQIA.

"Hindi naman nilang sinabi na 'wag ipalabas e, ipapalabas din naman e, hindi lang for public siguro, pwede mo pa itong mapanood sa mga festivals.

"I guess hindi pa ready yung MTRCB, and siguro sa tingin nila hindi pa siguro ready yung mga tao na i-embrace yung mga gano'n," ani Paolo.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

AND I... THANK YEW! 🌟 #ThePantiThanksgivingParty

A post shared by Black Sheep (@black_sheepph) on

 

Muling bumisita sa ABS-CBN headquarters si Paolo, kasama ang mga co-actors at production staff ng The Panti Sisters para sa selebrasyon ng tagumpay sa takilya ng pelikula. Ayon sa bagong anunsyo, umabot ng mahigit 213 milyon ang kinita ng The Panti Sisters worldwide.