• Home
  • Fresh Scoops
  • REVIEW: ‘Nuuk’ is an intelligent film wrapped in mystery and suspense

REVIEW: ‘Nuuk’ is an intelligent film wrapped in mystery and suspense

Direk Joyce Bernal nakapagmura dahil sa ganda ng ‘Nuuk’ nina Aga Muhlach at Alice Dixson

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/7/2019 11:59 AM
REVIEW: ‘Nuuk’ is an intelligent film wrapped in mystery and suspense


SPOILER ALERT: The following article contains important plot points and key scenes of the movie.

Nuuk is an intelligent film. Hindi ito yung usual na psycho-thriller Pinoy movies na mapapanood sa sinehan. Sa setting pa lang—Nuuk, Greenland—ay kitang-kita na ang kakaibang color and texture ng pelikula. Ang Nuuk ay nababalot sa nyebe na sumasalamin din sa tema nito--- malamig, malabo, puno ng misteryo.

Bida sa Nuuk sina Aga Muhlach at Alice Dixson at ang pelikula ay mula sa direksyon ni Veronica Velasco.

Kinunan ang pelikula sa Nuuk, Greenland, kung saan iilan lang ang mga nakatirang tao at may pinakamataas na suicide rate sa buong mundo. Sinasabing ang posibleng dahilan nito ay dahil malamig na klima at pagkakahiwalay sa ibang mga bansa.

Sa pelikula, ginagampanan ni Aga ang karakter ni Mark Alvarez, isang misteryosong Pinoy na naging mabuting kaibigan sa kapwa Pilipinong si Alice Dixson who is playing the role of Elaisa Svendsen.

Si Elaisa ay isang Filipina immigrant in Nuuk na kasal sa isang Danish guy na namatay na. Naiwan sa kanya ang teenager son na si Karl at para malabanan ang kalungkutan ay naging dependent siya sa alcohol and drugs.

During the process of mending her broken heart ay nakilala niya si Mark who is also fighting the loneliness of living alone in a cold, isolated and faraway city.

Naging magkaibigan ang dalawa, naging komportable, at nakapalagayang loob ni Elaisa si Mark at di nagtagal ay nagsimula na silang umibig sa isa’t isa.

Ngunit magiging palaisipan ang lahat matapos madiskubre ni Elaisa na tanging siya lamang ang nakakakilala at nakakakausap kay Mark. Hanggang madiskubre niya ang lihim at intensyon nito kung bakit gustong mapalapit sa kanya at sa anak niyang si Karl.

Towards the end of the movie ay mare-reveal ang plano ng karakter ni Aga at ang krimeng kanyang ginawa para ipaghiganti ang kamatayan ng kanyang 16-year-old daughter na nag-commit ng suicide.

Mas naging depressing pa ang sumunod na pangyayari dahil maging si Aga ay nag-commit din ng suicide habang nasa gitna siya ng dagat. Si Alice naman ay na-confine sa isang hospital dahil sa depresyon.

Mahusay ang pagkakadirek ng Nuuk at maging ang acting ng mga bida dito. Nakadagdag pa sa pagiging authentic ng pelikula ay ang magandang cinematography nito. Kumbaga, ramdam mo ang lungkot ng pinagdadaanan ng kani-kanyang character dahil sa kulay at ilaw.

After the premiere night last November 4 sa SM Megamall ay marami ang nag-congratulate sa cast at production team ng Nuuk. Ilan sa mga nakita naming nanood ay si dating QC Mayor Herbert Bautista, Donita Rose, at Direk Joyce Bernal.

Hindi rin napigilan ni Direk Joyce ang mapamura sa ganda ng pelikula. “Put__in_ ang ganda. Magsisisi kayo kapag hindi ito ito napanood,” sey pa niya.

Wika naman ni Aga, “Maiba naman. Something new, para iba-iba ang ginagawa ko.”

Masaya rin ang director ng Nuuk sa magagandang feedback sa kanyang pelikula.

“For me, making Nuuk was scary. I was afraid not because of the many unknowns faced filming in a sub-zero environment, but because we were attempting to make an intelligent film,” lahad pa ni Direk Veronica.

Palabas na ang Nuuk sa mga sinehan mula sa Viva Films.