Restaurant business, inihahanda na ni Pokwang

Ibinahagi rin ni Pokwang ang favorite Filipino food ng kanyang partner na si Lee O’Brian.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/7/2019 12:44 PM
Restaurant business, inihahanda na ni Pokwang


Magandang 2019 ang tatapusin ng Kapamilya comedian na si Pokwang kasunod ng mga bagong blessings na dumarating sa kanya ngayon.

Kuwento ni Pokwang, kabilang na rito ang kanyang pagiging bahagi sa 2019 Metro Manila Film Festival kasama sina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza.

READ: Pokwang, Jake Cuenca join cast of Vic, Maine’s ‘Mission Unstapabol: The Don Identity’

“Oo bongga talaga, tapos kalaban ko pa yata si papang, pasok ang Culion? Culion ano? Si papang sa Culion naman sila ang saya ng pasko namin!” tugon ni Pokwang sa kanyang endorsement sa Regasco.

Bukod sa 2019 Metro Manila Film Festival, isa rin sa pinaghahandaan ngayon ni Pokwang ang kanyang planong restaurant business na matagal na niyang gustong simulan dahil sa kanyang hilig sa pagluluto.

“Siyempre kasi ipon ipon muna teh, ipon muna tapos siyempre meron pa kami blessing na dumating. Si malia kailangan namin mag-focus sa kanya at kailangan din namin maghanap buhay ang pagiging artista. Hindi habang buhay mainit ka diba kaya kailangan mag ipon,” tugon pa ng komedyante.

Dito, ibinahagi rin ni Pokwang ang paboritong pagkain ni Papang Lee O’Brian.

“Pagkain ng Pilipino, paborito niya ‘yun lahat. As in kahit ano. Kahit nga dinuguan. Sobrang hindi ako hirap pakainin siya, even ‘yung anak kong maliit hindi po siya nakapag baby food, kaya natutuwa ako kasi hindi naging issue sa amin ang pagkain,” pahayag pa ni Pokwang.

Bukod sa planong restaurant business, hoping rin si Pokwang na mas marami pang pelikula at TV projects ang dumating sa kanya ngayong 2020.