Morissette Amon, nag-walk out sa isang concert

Kitang-kita ng mga manonood sa concert ng singer na si Kiel Alo ang paglabas sa venue ni Morisette Amon, kung saan siya dapat ang guest performer.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/7/2019 4:32 PM
Morissette Amon, nag-walk out sa isang concert


Photo credit: @morissetteamon_ph IG

Mainit na pinag uusapan ngayon ang naging pag back-out ng singer na si Morissette Amon sa birthday concert ng singer na si Kiel Alo sa Music Museum kahapon .

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

It’s Official! See you there! #birthday #concert #musicmuseum #greenhills #dermaworld #dermaworldbaby

A post shared by Kiel Alo (@kielalo) on

 

Kasunod umano ito ng tila naging panayam ng ABS-CBN News reporter na si Mario Dumaual nang kamustahin Ito tungkol sa naka-alitang ama na si Amoy Amon.

READ: Paolo Valenciano, may payo sa ama ni Morissette Amon

Matatandaan na pinagusapan noon sa social media ang naging pagtutol nang ama ng singer sa pakikipag-relasyon nito sa nobyo na si Dave Lamar.

Sa naging panayam ng entertainment press sa singer na si Kiel Alo matapos ang concert, idinetalye nito ang tila naging dahilan ni Morissette sa pag back-out sa concert.

“Na-interview kami ni Sir Mario Dumaual, tapos tinanong siya doon sa father niya [Amay Amon] tapos in-explain niya lahat nang pinagdadaanan niya and all, tapos after daw po noon, parang na offend po siya,” kuwento ni Kiel Alo sa naging panayam ng press.

Ayon pa sa baguhang singer, tila na-offend daw si Morissette sa mga naging personal na tanong sa kanya.

“Ang sabi lang naman po ni Sir Mario [Dumaual] ‘Kamusta kayo ng tatay mo?’, pero ‘yun nga pero siguro the right term would be hurt, na-hurt siya, ang term lang naman po ba ginamit ni Sir Mario, ‘di bale, Hindi naman matitiis ng isang ama ang kanyang anak’, tapos ayun, akala ko okay na,” sabi pa ni Kiel.

Idinetalye rin ni Kiel ang mga pangyayari sa backstage bago nagsimula ang kanilang show.

“Bago po ‘yung performance, with Ate Aira [Bermudez] narinig ko nalang po na inuntog daw ni Morissette ang ulo niya sa pader tapos umiyak ng umiyak, tapos hindi na siya naka-kanta,” pahayag pa ng singer.

Hindi man sumampa si Morissette sa stage, naiintindihan pa rin umano ng baguhang singer ang mga pangyayari at Walang masamang nararamdaman dito.

“Para sa akin po, may kanya-kanya po tayong pinagdaraanan e, maaring maliit para sa akin, pero malaki para sa kanya, so inintindi ko po siya doon sa part na siguro nga ganung kasakit, pero iba po kasi ang orientation sa akin na ‘the show must go on’,” pahayag pa niya.

Matatandaan rin na kababalik lang rin ni Morissette sa kanyang bakasyon sa US kasama ang napabalitang nobyo nito na si Dave Lamar.

READ: Morissette Amon, enjoy sa bakasyon kasama ang nobyo

Nagpahayag naman ang business manager ni Morisette na si David Casico sa mga manonood na nagkaroon ng medical emergency ang singer at nagpaumanhin sa mga pangyayari.  

Sa ngayon, umaasa ang mga fans ni Morissette na maging maayos rin ang lahat ng kanyang pinagdaraanan ngayon.