• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolina Magdangal, pinarangalan dahil sa kaniyang adbokasiya sa breastfeeding

Jolina Magdangal, pinarangalan dahil sa kaniyang adbokasiya sa breastfeeding

Naging emosyonal din si Jolina Magdangal nang makatanggap ng birthday message mula sa kaniyang asawa na si Mark Escueta.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

11/7/2019 10:41 AM
Jolina Magdangal, pinarangalan dahil sa kaniyang adbokasiya sa breastfeeding


Sa three-part celebration ng kaniyang kaarawan sa Magandang Buhay, nakatanggap ng bagong parangal si Jolina Magdangal dahil sa kaniyang adbokasiya sa breastfeeding. 

Sa episode nitong Miyerkules, November 6, isang pagkilala ang tinanggap ng momshie-host mula sa Manila Medical Center Department of Pediatrics.

"Para sa iyong kontribusyon at suporta sa pagpapalaganap ng kaalaman at inspirasyon sa kahalagahan ng breastfeeding para sa kalusugan ng mga ina at sanggol," ayon sa certificate na binasa ni Melai Cantiveros.

Nagpaabot din ng kani-kanilang birthday greetings sila Toni Gonzaga at Rufa Mae Quinto kay Jolina, na ayon sa kaniya ay ilan sa mga kaibigan niyang na-inspire sa kaniyang breastfeeding campaign.

READ: ‘Hindi madali, pero napaka-rewarding’: Jolina Magdangal, sa kaniyang breastfeeding journey

"Feeling ko nga ang kulit ko na sa pag-alalay tungkol sa breastfeeding [campaign].

"Yung makilala ka bilang momshie ay sobrang nakaka-uplift na para sa isang ina. Mahirap talaga mag-alaga ng mga anak. Pero yung pagkilala nang ganito, maraming salamat po, dahil sa simpleng pagbe-breastfeed ay nabibigyan niyo ng parangal yung mga nanay na katulad namin," pagpapasalamat ni Jolina sa nabanggit na institusyon.

 

 

Samantala, naging emosyonal naman ang aktres matapos basahin ang sulat mula sa kaniyang asawa na si Mark Escueta, na kasalukuyang nasa Bacolod kasama ang kanilang mga anak.

"Kasi nami-miss ko sila. Sabi ko nga, baka hindi totoo yung Bacolod, baka pupunta lang sila dito. Pero wala naman. Pero nag hope ako na sana andito sila," ani Jolina.

Nagbigay rin ng birthday greetings ang ilan sa mga kaibigan ni Jolina tulad nila K Brosas, Ogie Alcasid, at ang dating ka-love team niyang si Marvin Agustin. Ito ang ika-41st birthday ni Jolina.