• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaya at Awra Briguela, bibida sa LGBT-themed episode ng ‘Maalaala Mo Kaya’

Jaya at Awra Briguela, bibida sa LGBT-themed episode ng ‘Maalaala Mo Kaya’

First time magsasama at bibida sina Jaya at Awra Briguela sa Maalaala Mo Kaya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/7/2019 1:54 PM
Jaya at Awra Briguela, bibida sa LGBT-themed episode ng ‘Maalaala Mo Kaya’


Photo credit: @mmkofficial on Instagram

Proud at hanga ang Maalaala Mo Kaya director na si Theodore Boborol sa kaniyang dalawang lead stars na sina Jaya at Awra Briguela para sa bagong episode ng Maalaala Mo Kaya. Ibinahagi ito ng direktor sa kaniyang Instagram post ngayong Martes. 

“Truly honored to have directed Jaya in her first ABS-CBN drama, and Awra in his first dramatic lead role. I am excited for everyone to see their transformation, which is what our episode is all about,” ayon sa caption ni Theodore. 

 

Sa kaniyang unang pag-arte para sa MMK, gaganap bilang lesbian mom si Jaya, habang isang transkid naman si Awra. 

/p>

Makakasama rin sa naturang episode ang Mga Batang Poz actor na si Fino Herrera, Ynez Veneracion, Lie Reposposa, at Jelay Pilones. 

Mapapanood ang #MMKTanggapKita sa Sabado, pagkatapos ng pilot episode ng Your Moment.