• Home
  • Fresh Scoops
  • Ethel Booba, inaming uminom ng alcohol bago sumalang sa ‘TNT’ stage

Ethel Booba, inaming uminom ng alcohol bago sumalang sa ‘TNT’ stage

Muntik nang hindi tumuloy ang komediyanteng si Ethel Booba sa kanyang finals bid sa celebrity edition ng Tawag Ng Tanghalan matapos itong magkasakit at mawalan ng boses.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/7/2019 2:18 PM
Ethel Booba, inaming uminom ng alcohol bago sumalang sa ‘TNT’ stage


Muntik nang hindi tumuloy ang komediyanteng si Ethel Booba sa kanyang finals bid sa celebrity edition ng Tawag Ng Tanghalan matapos itong magkasakit at mawalan ng boses.

Ito ang inamin ni Ethel matapos niyang matuloy sa kompetisyon nitong Miyerkoles, at inawit ang kanyang bersyon ng "To Love You More" ni Celine Dion bilang kanyang pasabog na performance.

Pagbunyag pa ni Ethel, bago siya sumalang sa stage ay uminom ito ng alcohol dahil nakakatulong ito di umano sa kanya tuwing nagkakaroon siya ng problema sa kanyang boses.

“Grabe, uminom ako! Kasi sa mga singer ganu’n, eh. Nakakaloka,” aniya. “Muntik na ako talaga mag-back out kasi nakakahiya!”

Sa kabila ng mga limitasyon sa kanyang performance ay napabilib pa rin ni Ethel ang mga hurado, partikular na ang judge na si Nyoy Volante, na pinuri siya sa kanyang "nakakabilib" na pag-awit.

"May mga parts talaga na obvious na nahirapan ka to execute. But when the time came that you had to redeem yourself, grabe naman din talaga. ‘Yung birit mo, buong-buo, e. Parang walang sakit. Nakakabilib,” aniya.

Sa huli, nakapasok pa rin si Ethel sa finale matapos makatanggap ng pinakamataas na public votes bilang "Madlang People's Choice of the day".

Samantala, ang kanyang fellow celebrity contender na si Apple Chiu ay pinangalanan bilang "Hurado's Choice."

Kabilang sa mga iba pang finalists na nag-perform noong Miyerkules ay sina RJ dela Fuente, Jimmy Marquez, Jason Fernandez, at DJ Onse.