• Home
  • Fresh Scoops
  • Bianca Umali, muntik sagasaan si Ruru Madrid dahil sa tindi ng selos kay Jasmine Curtis Smith?

Bianca Umali, muntik sagasaan si Ruru Madrid dahil sa tindi ng selos kay Jasmine Curtis Smith?

Nagkasagutan din daw sina Bianca Umali at Ruru Madrid bago ang insidente.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/7/2019 11:50 AM
Bianca Umali, muntik sagasaan si Ruru Madrid dahil sa tindi ng selos kay Jasmine Curtis Smith?


Photo credit: @bianxa, @rurumadrid8, and @jascurtissmith IG

Sa simula ay naging palaisipan sa amin kung sino ang tinutukoy ng isang reporter sa post niya sa Facebook account na “hayop!!! Walang breeding!!!” until lumabas ang balitang muntik nang masagasaan ni Bianca Umali ang rumored boyfriend niyang si Ruru Madrid sa parking ng SM Megamall.

Ang reporter ay malapit kay Ruru at sa pamilya nito. Bagama’t hindi niya pinangalanan kung sino ang kanyang tinutukoy pero marami ang humula na si Bianca nga ito.

Nasa premiere night kami ng Cara X Jagger na pinagbibidahan nina Ruru at Jasmine Curtis Smith noong Martes ng gabi (November 5), pero hindi namin mismo nasaksihan ang insidente. Ayon sa ilang eyewitness, nagkasagutan sina Ruru at Bianca after the premiere night ng Cara X Jagger.

Bilang suporta kay Ruru ay dumalo si Bianca sa red carpet premiere ng pelikula pero umalis din ito kaagad sa sinehan (Cinema 1) para magpunta sa parking lot at don na lang hintayin si Ruru.

Papunta na sana ng cast party ng Cara X Jagger sina Ruru at Jasmine nung mangyari ang insidente. Sinilip daw ni Bianca ang bintana ng sasakyan ng aktor at tiningnan kung sino ang nakasakay dito.

Nang makita raw nito na nasa loob si Jasmine kasama ang director ng pelikula na si Ice Idanan ay nagalit ito na pinagsimulan ng kanilang mainit na pagtatalo na nauwi pa para itulak diumano ni Bianca ang aktor.

Kaagad daw bumalik si Bianca sa kanyang sasakyan at pinaharurot ito na tila akmang sasagasaan si Ruru.

Ayon sa obserbasyon ng maraming nakakita ng insidente ay matinding selos ang dahilan kung bakit nagalit si Bianca. Very vocal kasi noon si Ruru sa pagsasabing crush niya ang kapareha sa Cara X Jagger na maaaring ipinagselos ni Bianca.

Walang pormal na pag-amin mula kina Bianca at Ruru pero dahil sa nangyari ay para na rin nilang sinabi na totoong meron silang relasyon. Magseselos ka ba naman sa isang guy kung hindi mo ito nobyo?

Dahil sa ginawa ni Bianca kay Ruru ay napaiyak din ang tatay ng aktor. Natakot daw ito sa nangyari para sa kanyang anak at hindi nito inakala na magagawa ni Bianca na sagasaan ito. Huwag na rin daw tayong magtaka kung maghiwalay na rin sina Ruru at Bianca dahil sa nangyari.

Samantala, puring-puri ng mga nakapanood ang hindi maitatangging chemistry sa Cara X Jagger nina Ruru at Jasmine. Isa rin marahil yon sa nakadagdag sa selos factor ni Bianca.

As expected, muling ipinakita ni Jasmine ang kahusayan niya bilang aktres sa pelikula. Hindi naman masasabing nagpahuli sa kanya ang binata.

May cameo role din sa pelikula ang kapatid ni Jasmine na si Anne Curtis para suportahan ang first lead role in a mainstream movie ng kapatid.