‘Yorme’ Isko Moreno, balik-pelikula ngayong Pasko

Isa si Mayor Isko Moreno sa mga magpapasaya ngayong pasko sa pelikula ni Coco Martin sa Metro Manila Film Festival.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/6/2019 9:38 PM
‘Yorme’ Isko Moreno, balik-pelikula ngayong Pasko


Photo credit: @mr.cocomartin IG
Balik pelikula ngayong Pasko si Manila Mayor Isko Moreno sa 2019 Metro Manila Film Festival movie entry ni Coco Martin na “3pol Trobol: Huli Ka Balbon."
 
Ayon sa mayor ng Maynila, nagpapasalamat siya kay Coco sa pagkakataon na ibinigay nito sa kanya na muling makabalik sa pelikula.
 
 
“I’m grateful to Mr. Coco Martin and the staff, they included me in the movie (MMFF) mga ano lang naman few scenes as myself, no, the same position as (I am now),” tugon pa ni Isko sa naganap na Christmas tree lighting ng Manila Hotel.
 
Ayon pa kay Isko, direcho sa mga nangangailangan ang kanyang naging talent fee sa naging pagbabalik pelikula.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Malaki ang paghanga ko sa taong ito!!!💪💪💪

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

 
“Tapos ‘yun sabi ko sa kanila, ibigay nila sa PGH [Philippine General Hospital] ‘yung yadba (bayad) nila sa akin,” ani niya.
 
Maikli man ang kanyang naging panahon sa pagbabalik-pelikula, aminado si Isko na nasabik siya sa pag-arte.
 
Bukod sa pagbabalik-pelikula, pinasalamatan rin ni Isko ang mga pribadong grupo na kumukuha sa kanya bilang modelo.
 
“Nakaka-miss... Kaya nga ako natutuwa noong artista ako, hindi ako naging model e’ ngayon kaliwa’t kanan at sawakali meron e’,” aniya pa.
 
Dito, nakiusap siya na huwag nang bigyan nang malisya ang kaliwa’t kanang billboard na kung saan siya ang endorser.
 
“Honestly ah, I hope I don’t offend anybody later on that if you see faces of mine, I mean my faces in billboards, it has nothing to do with propagations basta importanteng maliwanag lang tayo. Sa madaling salita, trabaho lang ‘yun at hindi ko naman ibinubuhat ng bangko sa inyo, ni sinko doon wala akong pinakinabangan,” pahayag pa ng mayor.