• Home
  • Fresh Scoops
  • Roxanne Barcelo at Marian Rivera, matalik na magkaibigan pa rin ba?

Roxanne Barcelo at Marian Rivera, matalik na magkaibigan pa rin ba?

Sinagot ni Roxanne Barcelo ang tanong kung nananatiling matalik na magkaibigan pa rin sila ng kapwa niya aktres na si Marian Rivera.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/6/2019 2:52 PM
Roxanne Barcelo at Marian Rivera, matalik na magkaibigan pa rin ba?


Photo credit: @roxannebarcelo IG

Sinagot ni Roxanne Barcelo ang tanong kung nananatiling matalik na magkaibigan pa rin sila ng kapwa niya aktres na si Marian Rivera.

"Yes," ang sagot ng Kapamilya star nang matanong ni Boy Abunda sa "Yes, No, Maybe" segement ng late night talk show na "Tonight With Boy Abunda" nitong Martes.

"Invited pa rin ako sa mga pagtitipon at tine-text pa rin niya ako," paliwanag ni Roxanne.

"Pero siyempre, Tito Boy, she lives a different life na. Zia is my inaanak, and forever na 'yun, ninang na ako for life," dagdag niya.

Si Zia ang panganay na anak ni Marian at aktor na si Dingdong Dantes. Bukod kay Zia ay may isa pang anak ang mag-asawa na nangngangalang Ziggy.

Nag-guest si Roxanne sa "Tonight With Boy Abunda" upang i-promote ang kanyang bagong pelikula na "Love Is Love" kung saan makakasama niya  si JC de Vera. Nakatakda itong ipalabas sa mga sinehan sa darating na Disyembre 5.