• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Roxanne Barcelo, bakit nga ba tumigil sa pag-awit?

PANOORIN: Roxanne Barcelo, bakit nga ba tumigil sa pag-awit?

Hindi mapigilang maging emosyonal ng aktres na si Roxanne Barcelo nang mapag-usapan sa “Tonight With Boy Abunda” ang kanyang pagbabalik entablado sa “Tawag ng Tanghalan” nito lamang nakaraang buwan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/6/2019 2:23 PM
PANOORIN: Roxanne Barcelo, bakit nga ba tumigil sa pag-awit?


"It comes with a lot of trauma."

Ito ang naging emosyonal na pahayag ni Roxanne Barcelo nang mapag-usapan sa "Tonight With Boy Abunda" ang kanyang pagbabalik entablado sa "Tawag ng Tanghalan" nito lamang nakaraang buwan.

Bilang isa sa mga celebrity contestants, ibinahagi noon ng aktres na isa sa mga hiling ng kanyang ama bago ito pumanaw ay ang pagbabalik loob nito sa pag-awit.

Ngunit sa simula pa lamang ay bakit nga ba nahinto si Roxanne sa pagkanta?

Nitong Martes, binalikan ni Roxanne ang pagkamatay ng dating head ng Universal Records na si Bella Tan, na siyang umano ay nagbigay sa kanya ng pinaka-una niyang record deal.

Ani Roxanne, sumakabilang buhay si Tan bago pa nila nailabas ang kanyang album, na 'di kalaunan ay nanguna sa mga music charts dito sa Pilipinas.  

Matapos ang pagkamatay ni Tan, nangako ang aktres na hindi na muli itong kakanta.

At ito rin ang kanyang pangako sa sarili nang yumao ang kanyang ama na si Antonio Barcelo matapos ma-stroke nito lamang Hulyo.

Ngunit, ayon kay Roxanne, masakit man para sa kanya ay kailangan niyang magpatuloy na umawit bilang paggalang sa kanyang ama at kanyang mga taga-suporta na patuloy na naniniwala sa kanya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Tatay... stay with me. Please.🙏 Abba Father help.🙏

A post shared by Roxanne Barcelo (@roxannebarcelo) on

 

"Isa lang iyong dasal ko, 'I want to sing a song without shedding a tear because I miss him every day of my life'," ani Roxanne, na sinabing gusto nitong magbalik loob sa kanta para na rin sa kanyang ina.

"I look at my mother every day and I just see iyong nanay ko na nami-miss niya iyong true love niya. ...I want to honor my dad and my mom."

Na-guest si Roxanne sa late night talk show upang i-promote ang kanyang bagong pelikula na "Love is Love", kung saan kasama nito si JC de Vera. Ipapalabas ito sa lahat ng mga sinehan sa Disyembre 5.