• Home
  • Fresh Scoops
  • KZ Tandingan, nanawagan ng tulong para sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao

KZ Tandingan, nanawagan ng tulong para sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao

Malinis na tubig, pagkain at masisilungan ang patuloy na kinakalap ni KZ Tandingan para sa mga kababayan sa Mindanao.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/6/2019 3:25 PM
KZ Tandingan, nanawagan ng tulong para sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao


Photo credit: @kztandingan IG

Sa premiere night ng kanyang bagong pelikula kasama si Epy Quizon na “The Art of Ligaw," nanawagan ng tulong ang singer na si KZ Tandingan ng tulong para sa kanyang mga kababayan sa Mindanao.

Kasunod ito nang magkakasunod na lindol na nararanasan sa lugar nitong mga nakaraang linggo. 

Ayon kay KZ, kailangan ng tubig, mga trapal at pagkain ng mga baranggay na apektado doon.

“Opo, pero sabi ng daddy ko, kailangan natin magbigay kahit konti dahil may kaya tayo, so nag-organize po kami ng mga kaibigan po namin doon sa Digos [Davao del Sur] and kinoordinate namin. Sobrang sakto na nandoon ang parents ko, pinadala ko na lahat, humabol na lang ako after ng work,” bungad ng singer.

Photos from KZ Tandingan IG account

Bukod sa kanya, nauna nang nagpaabot ng kanyang tulong si Angel Locsin para sa mga pamilya na nasalanta ng lindol.

“Ang grabe yung binigay ni Miss Angel. Miss Angel maraming, maraming salamat sa pagpunta niyo doon. Alam namin galing pa kayo sa Halloween party pero dumiretso pa kayo doon,” sabi pa ng singer.

Ayon pa kay KZ, apektado rin ang kanyang pamilya na dumanas ngayon ng trauma dahil sa sunod-sunod na pagyanig pa rin sa ilang bahagi ng Mindanao.

“My mom, my sister, and my brother were almost trapped sa isang mall, na gabi pa nangyari (yung lindol), so sobrang naging traumatic yun para sa pamilya ko lalo na sa sister ko. Kasi she almost lost her baby pero ngayon po healthy naman ang baby pero kailangan niya mag-rest,” kwento niya.

Sa ngayon, isa si KZ sa aktibong celebrities na nangangalap ng tulong para sa mga apektado ng lindol sa Mindanao.