Balik tambalan ni Marvin at Jolina, hindi muna matutuloy

Ayaw madaliin nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal ang kanilang 'regalo' para sa kanilang mga fans.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/6/2019 5:59 PM
Balik tambalan ni Marvin at Jolina, hindi muna matutuloy


Photo credit: @marvinagustin IG

Binigyang paliwanag ni Jolina Magdangal ang tila pagka-udlot ng reunion movie project sana ng ka-tandem na si Marvin Agustin.

Kasunod ito nang pananabik ng fans sa kanilang tamabalan at nanawagan na muli silang magsama sa isang pelikula.

READ: Marvin-Jolina reunion movie tuloy na tuloy na

"Yes dapat talaga mayroon kaming movie this year, and I think si Marvin kasi ang producer e', tapos ang balak talaga ni Marvin ay gawin namin ito for Metro Manila Film Festival," paliwang ni Jolina sa naging panayam.

"Pero ngayon kasi, sobrang naging strict na sa Metro Manila Film Festival, marami na rin naging rules. So noong time na 'yun, parang nahirapan na kami, mayroon nang istorya, mayroon nang script, pero hindi pa namin masyado napag-uusapan."

Ayon pa kay Jolina, ayaw nilang madaliin ang bawat detalye sa binubuo nilang reunion movie project ni Marvin.

"Mayroon palang rules na kailangan na shoot na nang ganitong month, e medyo nahuli ata kami and si Marvin, siya talaga 'yung nakikipag meeting doon, and hindi kami aabot, so hindi namin pwede ipilit, ayaw naman namin ng hilaw kasi comeback 'yun 'di ba? Ang tagal namin bago gumawa ulit ng movie," ani Jolina.

Dito sinigurado rin ni Jolina na tuloy na tuloy pa rin ang kanilang pagsasama ni Marvin sa pelikula.

"Definitely matutuloy 'yun. Yes, matutuloy 'yun tapos mas pinagtutuunan pa namin ng pansin 'yung istorya," sabi pa niya.

Kung tatanungin naman kung ano ang dapat abangan sa kanilang muling pagsasama, sagot ni Jolina: "Well 'yung dapat this year meron na, but since hindi pa kami nag-aagree na parang sige okay na 'to pero pwede pang baguhin.

"Oo, siyempre naman, kasi parang na-excite din kami kung ano pang pwedeng istorya ang pwedeng sa amin lang na after ng ilang years, and talagang iba na rin 'yung atake namin sa bawat eksena, so exciting," pahayag pa ng TV host.

Taong 1999 nang huling nagpakilig si Marvin at Jolina sa pelikulang “Hey Babe”.