• Home
  • Photos
  • EXCLUSIVE: Ejay Falcon enjoys his third vacation in Japan with girlfriend and youngest brother

EXCLUSIVE: Ejay Falcon enjoys his third vacation in Japan with girlfriend and youngest brother

Tatlong beses na nagabakasyon sina Ejay Falcon at Jana Roxas kasama ang iba’t-ibang kapamilya nila.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

PHOTOS

11/5/2019 1:04 PM

Muling nagbakasyon sa Japan ang Kapamilya actor at Sandugo lead actor na si Ejay Falcon. Pangatlong beses na raw niya itong pagbabakasyon sa Japan kasama ang girlfriend na si Jana Roxas.

“Eksakto three years na nung una akong nag-post ng bakasyon namin sa Japan last November 1, 2016 kaya nag-Japan ulit kami, hehehe!” mensahe sa amin ni Ejay habang nasa Japan siya.

Eh, bakit nga ba mas gusto niyang magpunta ng Japan kesa sa ibang mga bansa?

“Sa Japan po kasi malinis at malapit lang, malamig at relax lang dito. Masarap din po ang food dito, medyo mahal nga lang,” sagot niya sa tanong namin.

Ayon pa kay Ejay, parang birthday treat na rin daw niya ang Japan trip with the girlfriend. Ejay will be celebrating his birthday on November 21.

“Bukod po kay Jana, kasama ko dito ang kapatid ko from Mindoro si JB Boy, yung bunso namin. Pinasyal ko siya at ang pamangkin niya po. Nag-Disneyland kami, nag-Halloween sa Shibuya sa Tokyo.

“Two months ago ay nasa Osaka naman po kami kasama din si Jana, yung kapatid niya at isang kapatid ko na babae,” kuwento pa ng aktor.

Dahil sa ganda ng Japan, hindi na kami magtataka kung doon na rin niya balak gawin ang proposal kay Jana.