• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda proud kay Ion Perez: ‘Mabuti naman siyang tao, so bakit ko naman siya ikahihiya?’

Vice Ganda proud kay Ion Perez: ‘Mabuti naman siyang tao, so bakit ko naman siya ikahihiya?’

Vice Ganda inamin na one year na silang magkarelasyon ni Ion Perez.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/5/2019 8:18 PM
Vice Ganda proud kay Ion Perez: ‘Mabuti naman siyang tao, so bakit ko naman siya ikahihiya?’


Photo Credit: @praybeytbenjamin on IG

Hindi naging matipid sa pagkukuwento ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda sa naging bakasyon niya sa Japan nitong Halloween kasama si Ion Perez.

Idinetalye niya ang kanyang masayang moments kasama ang kanyang inspirasyon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Now I’m in a whole new world with you. #ShibuyaHalloween2019 @pereziion27

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

“Usually, Hong Kong talaga ako 'pag Halloween, eh ayaw namin ngayon doon kasi natatakot ako magulo, kaya naghanap kami. Initially Korea talaga so last minute decision ‘yung Japan,” tugon ni Vice sa interview sa naganap na pictorial ng kanyang 2019 Metro Manila Film Festival movie na “The Mall, The Merrier” kasama si Anne Curtis.

Dito binigyang linaw rin ni Vice ang kanyang pagiging bukas sa publiko ng kanilang relasyon Ion Perez.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

You start being happy the moment you stop giving a shit!

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

“Oo freedom is blessed,” tugon ni Vice.

“It’s liberating, mas masarap kumilos, hindi nakakangawit, wala kang iniisip mas na-eenjoy namin ang buhay,” paliwanag pa ng comedian.

Aniya, masaya rin si Ion sa estado ng kanilang relasyon ngayon.

“He’s very happy. I’m very happy. Kasi dati ‘yun ang parang iniinda kong sakit e’ ‘yung parang hindi naman ako kayang ipagmalaki ng mga lalaking (nakikilala ko) nakakarelasyon ko, minamahal ko, tapos sabi ko ‘yung nararamdaman kong ganun, bakit ko ipaparamdam kay Ion, na hindi ko siya ma-i-out, at hindi ko masabi nang derektahan at masabi (ang meron kami), kasi siya ang nauna e’ siya ‘yung mga nag-po-post sa Instagram noon pa e’ ako bihira e,” ani Vice.

“Deserve ni Ion ‘to, kasi mabuti naman siyang tao, so bakit ko naman siya ikahihiya,”

At sa kanyang paglalahad ng kanilang relasyon ni Ion, pinasalamatan rin niya ang kanyang mga kaibigan na masaya para sa kanila.

READ: Ogie Diaz, masaya para kay Vice Ganda

"I am happy and overwhelmed, dahil talagang ‘yung reaction nila (positive), ‘yun ngang post ko sa Instagram, almost 800 thousand likes na. Sabi ko nga ‘ang ganda ng suporta ng mga tao, parang mahal na mahal nila kami ni Ion,” kwento pa ni Vice.

At kung tatanungin kung gaanong katagal na ang kanilang relasyon ni Ion: “One year na,” pag-amin ni Vice.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ang gandang REYNA na sinayang nila ngayon pag a HARI kuna siya!

A post shared by Benigno Dungo Perez️ (@pereziion27) on