• Home
  • Fresh Scoops
  • Melai Cantiveros, nagpa-abot ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Davao

Melai Cantiveros, nagpa-abot ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Davao

Matapos si Angel Locsin, nagpaabot din ng tulong ang komedyante at television host na si Melai Cantiveros sa mga naging biktima ng nangyaring sunod sunod na lindol sa Mindanao.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/5/2019 6:14 PM
Melai Cantiveros, nagpa-abot ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Davao


Matapos si Angel Locsin, nagpaabot din ng tulong ang komedyante at television host na si Melai Cantiveros sa mga naging biktima ng nangyaring sunod sunod na lindol sa Mindanao.

Hindi man personal na makabisita ay nagbahagi ang “Magandang Buhay” host ng kanyang tulong sa pamamagitan ng pamimigay ng relief goods para sa mga naapektuhan ng lindol sa bayan ng Digos sa Davao del Sur.

 

Isa sa mga humanga kay Melai ay ang kanyang kapwa host na si Darla Sauler.

“Kaya simula pa lang mahal na mahal kita MELAI eh. Eto na naman, kung walang nagpost di namin malalaman... pagpalain ka pa ng Diyos para sa napakabuti mong puso. Pusong hindi pang-show lang. Pusong meron ka na noon pa man bago ka maging Grand Winner sa tatlong contests sa ABS-CBN, at mapanalunan ang puso naming lahat. Labyu iSay!” ani Darla sa isang Instagram post nitong Linggo.

Nakilala si Melai bilang Big Winner ng reality show na “Pinoy Big Brother: Double Up” taong 2009. 2015 naman nang muli siyang nagwagi bilang champion sa unang season ng Filipino version ng sikat na kompetisyon na “Your Face Sounds Familiar”.

 

Samantala, nag-comment sa post ni Darla si Melai, na nagmula sa bayan ng General Santos City at sinabing: “Over, madam. [Siyempre] sa mga kaibigan ko [rin] na over, over support. [Siyempre] taga-Mindanao ako, madam. Love [you] more, madam.”