• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Masyadong ginalingan’: Janella Salvador, nagalusan sa leeg dahil sa eksena sa ‘The Killer Bride’

‘Masyadong ginalingan’: Janella Salvador, nagalusan sa leeg dahil sa eksena sa ‘The Killer Bride’

“The aftermath of tonight’s episode,” ayon sa ‘The Killer Bride’ actress na si Janella Salvador matapos ibahagi ang natamong galos mula sa eksena.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/5/2019 5:11 PM
‘Masyadong ginalingan’: Janella Salvador, nagalusan sa leeg dahil sa eksena sa ‘The Killer Bride’


Photo credit: @@superjanella Twitter

‘Masyadong ginalingan’ papuri ng isang netizen sa The Killer Bride actress na si Janella Salvador matapos makatamo ng galos sa leeg dahil sa isang eksena.

Sa kaniyang Twitter post kahapon, ipinakita ni Janella ang namumula pang galos sa leeg dahil sa mahigpit na sakal ng lubid. “The aftermath of tonight’s episode— masyado akong in character, pinasikipan ko pa yung rope,” ayon sa caption.

 

 

Tinutukoy ni Janella ang eksena sa episode ng serye na ipinalabas noong Lunes, Nobyembre 4. 

Panoorin ang naturang eksene dito: