• Home
  • Fresh Scoops
  • Gazini Ganados, sinigurong maayos ang US Visa bago ang Miss Universe pageant

Gazini Ganados, sinigurong maayos ang US Visa bago ang Miss Universe pageant

Handang-handa na si Gazini Ganados sa kanyang laban sa Miss Universe pageant na gaganapin sa Atlanta, Georgia, USA.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/5/2019 2:21 PM
Gazini Ganados, sinigurong maayos ang US Visa bago ang Miss Universe pageant


Photo credit: @gazinii IG

Handang-handa na para sa kanyang nalalapit na laban si Gazini Ganados para sa Miss Universe pageant ngayong December 8 sa Atlanta, Georgia, USA.

READ: Miss Universe 2019 sa USA na gagawin?

Sa naganap na triple send-off party para sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas, isa sa naging tanong sa Miss Universe Philippines kung handa na rin ba ang kanyang mga papeles para sa kanyang magiging byahe sa Atlanta.

“When it comes to the visa I already been to New York, Vegas and Canada for the Philippine Tapestry, so I already have my visa. Yes it’s already done,” sabi pa niya.

Bukod sa kanyang US visa, handa na rin ang iba pang kailangan ni Gazini para sa pageant, kabilang na ang national costume at evening wear na kanyang isusuot para sa Miss Universe pageant.

LOOK: Jonas Gaffud trains Gazini Ganados for Miss Universe 2019

“With my national costume its still with Cary Santiago, and the evening gown and the national costume, so the pressure is really on,” pahayag pa ni Gazini.

Sa darating na November 27 inaasahan ang paglipad ni Gazini patungo sa Atlanta at umaasa siya sa full support ng kanyang mga kababayan sa kanyang laban.