Aga Muhlach, magbabalik telebisyon?

Inamin ni Aga Muhlach ang kanyang interest na maging bahagi ng “Ang Probinsyano.”

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/5/2019 1:57 PM
Aga Muhlach, magbabalik telebisyon?


Photo credit: @agamuhlach317 IG

Hindi isinasara ng aktor na si Aga Muhlach ang posibilidad na pagtanggap niya muli ng proyekto sa telebisyon.

Ayon kay Aga, bagaman pihikan na sa tinatanggap na proyekto, tuloy ang kanyang pagkonsidera sa mga alok sa kanya ngayon kabilang na ang pagbabalik-telebisyon.

“Honestly, I really want to try... Let’s see... sana,” tugon ng aktor sa panayam.

“Parang mahirap daw, but may sinasabi raw sila na you canned it already but when you taped it, keep it, and finish the whole season na parang naka-canned siya na ganun,”

“But I mean sa buong buhay ko, masusubukan ko naman ‘yun... soon! Naghihintay lang ako na may mag-offer,” sabi pa ni Aga.

Hindi rin daw nagbabago ang desisyon ni Aga, na para sa kanya naka depende sa role na ibibigay sa kanya.

“Hindi naman ako magiging plastic, Oo naman (pihikan) medyo mapili talaga, pinipili ko ang gagawin ko syempre at this point in time, kahit naman noon pa, even when they offering me soap in TV, pinipili ko talaga,” ani ng aktor. “But I would love to try one really.” 

Dito, inamin rin ni Aga ang kanyang interest na maging isa sa mga guest sa Ang Probinsyano, na isa sa mga longest running teleseryes ngayon ng Kapamilya network.

“Binibinibiro ko nga sila, ‘yung Ang Probinsyano parang gusto ko mag guest room e, para masama naman ako doon sa  (list) ng (artista) sa ‘Probinsyano’,” natatawang sabi pa ng aktor.

“Hindi kasi lahat pinag-uusapan, lahat Ang Probinsyano,” dagdag niya. 

Sa ngayon tutok muna si Aga sa pag-promote ng kanyang pelikulang Nuuk kasama si Alice Dixson at sa pagtapos sa pelikulang Miracle In Cell No.7, na bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival.