• Home
  • Fresh Scoops
  • Roxanne Barcelo: ‘I want to take care of my voice again’

Roxanne Barcelo: ‘I want to take care of my voice again’

Emosyonal na nagpapasalamat si Roxanne Barcelo sa ‘It’s Showtime,’ matapos siyang tanggapin bilang isa sa mga semi-finalists ng Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/4/2019 3:01 PM
Roxanne Barcelo: ‘I want to take care of my voice again’


Matapos makapasok sa semi finals ng Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions, naging emosyonal muli si Roxanne Barcelo sa harap sa press habang nagpapasalamat sa It's Showtime.

"I'm just grateful to TNT forever. Whether manalo or matalo, just be able to sing again you'd given me confidence that cannot be bought. For many years I've been trying to be confident in singing and you gave me a chance to feel a little bit of confidence," pahayag ni Roxanne sa interview ng press para sa Huling Tapatan ng TNT Celebrity Champions.

Maaalalang naging emosyonal ang unang pagsabak ni Roxanne sa Tawag stage nitong Oktubre, kung saan ay ibinahagi niya na alay niya ang kaniyang pagbabalik sa pagkanta sa namayapang ama.

WATCH: Roxanne Barcelo fulfills father’s wish on ‘Tawag ng Tanghalan’

"The only thing that I wanted that day was to finish the song. Finish it nang walang luha. Yun lang ang sinabi ko sa sarili ko, finish it without crying. Ako iniisip ko na lang talaga, maganda sana kung napanood ni fudey (ama)," kuwento ni Roxanne nang inalala ang unang performance sa kumpetisyon.

Ayon pa kay Roxanne, dahil sa oportunidad na mayroon siya ngayon, ipagpapatuloy na niya ang kaniyang karera sa pag-awit.

"Parang, I want to take care of my voice again, so thank you (It's Showtime). I feel good because I wanted to take care of it and I wanna share it whatever happens," paliwanag niya.

Isa sa Roxanne sa labing walong semi finalist ng kauna-unahang Celebrity Edition ng Tawag Ng Tanghalan. Bukod sa sexy actress, sasabak din sa Huling Tapatan ang ilang pamilyar na mga artista at singer, tulad nina Rhap Salazar, Ethel Booba at iba pa.