Paula Peralejo, wala nang plano bumalik ng showbiz?

Nakilala si Paula Peralejo sa teen oriented Kapamilya series na ‘Tabing Ilog’ noong early 2000.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/4/2019 10:59 AM
Paula Peralejo, wala nang plano bumalik ng showbiz?


Nakilala si Paula Peralejo sa teen oriented Kapamilya series na ‘Tabing Ilog’ noong early 2000.  Tila walang plano na bumalik sa pag-arte ang dating aktres at Tabing Ilog star na si Paula Peralejo nang minsan itong nakapanayam ng PUSH.

Kuwento ni Paula, abala siya ngayon bilang isang full-time mommy sa kanyang nag-iisang anak na si Pablo.

"Right now, I'm a full-time mommy while I have jobs on the sideline. I have social media work, I still have travel agency but mostly I'm a full-time mama," tugon niya sa naging panayam.

Dito, ikinuwento rin ng dating Kapamilya star ang kung bakit siya desisyon na tuluyan nang talikuran ang showbiz.

"I wanted to go back to school, so I went back to school while I was still in showbiz, pero alam mo naman ang schedule ng showbiz pero nag-aabsent rin ako ng absent. Tapos nahihiya na ako sa teachers ko, although they were super nice and understanding, so bakit pa ako bumalik ng school kung absent rin naman ako ng absent. So I quit showbiz and went back to school," sabi pa ni Paula.

Dahil matagal nang nawala sa showbiz, aminado ang dating Kapamilya na hindi niya na-mimiss ang limelight.

"Hindi talaga (laughs), hindi. Pero 'yung mga tao siyempre, of course. Pero 'yung buhay, mas gusto ko talaga 'yung buhay ko ngayon," aniya pa.

At kahit na hindi na rin masyado ng aktibo sa showbiz, patuloy pa rin ang komunikasyon ni Paula sa mga dating kasamahan sa Tabing Ilog.

"Meron kaming Viber group, minsan pag may mga birthdays, kamustahan, but not really like nagkikita in a long time," sabi pa niya.

Sa usapin naman ng pagkakaroon ng reunion project ng cast, hindi rin isinasara ni Paula ang posibilidad na ito.

READ: Baron Geisler, may panawagan kay John Lloyd Cruz

"Ang hirap, hindi ko pa po alam. Wala pa naman lumalapit sa akin," ani ng dating aktres.

“Hindi ko pa alam, depende muna sa gagawin siguro kung isang madalian na ano lang, pero kung kunwari It's a long term commitment, I'd rather focus on my son muna."

READ: Jodi Sta. Maria open to possibility of reunion among ‘Tabing Ilog’ cast

Ayon pa kay Paula: "Hindi ko namimis 'yung halos 24 hours ka na nagte-taping, shooting, pictorial ganyan. Masarap ang tulog ko ngayon," masaya niyang pahayag.