• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Sarah Geronimo, nagsayaw kasama ang ‘Team Sarah’

PANOORIN: Sarah Geronimo, nagsayaw kasama ang ‘Team Sarah’

Game na game na humataw ang singer at coach na si Sarah Geronimo sa ginanap na after party ng “The Voice Kids 4” nitong Linggo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/4/2019 1:51 PM
PANOORIN: Sarah Geronimo, nagsayaw kasama ang ‘Team Sarah’


Game na game na humataw ang singer at coach na si Sarah Geronimo sa ginanap na after party ng  "The Voice Kids 4" nitong Linggo.

Kasama ang ilan sa mga kilalang miyembro ng "Team Sarah" na sina Darren Espanto, Jason Dy, at Kyle Echarri, ipinamalas ng tinaguriang Popstar Royalty ang kanyang galing sa pagsayaw matapos humataw sa kanyang sikat na awit na "Tala".

 

 

 

Nagtapos nitong Linggo ang ika-apat na edisyon ng "The Voice Kids" kung saan pinangalanan si Vanjoss Bayaban, na isa ring miyembro ng Team Sarah, bilang grand champion.

Makakatanggap si Vanjoss ng PHP2 million cash prize at isang house and lot.