• Home
  • Fresh Scoops
  • KILALANIN: Mga celebrities para sa Huling Tapatan sa Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions

KILALANIN: Mga celebrities para sa Huling Tapatan sa Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions

Kumpleto na ang listahan ng labing-lima (15) na celebrity contenders para sa semi-finals ng Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions sa It's Showtime.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/4/2019 3:26 PM
KILALANIN: Mga celebrities para sa Huling Tapatan sa Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions


Magsisimula na ang isang linggong tapatan ng labing limang celebrity finalists sa Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions, sa It's Showtime.

Mula sa tatlong batches, napili sina Ana Ramsey, Apple Chiu, Brenan Espartinez, Cris Pastor, DJ Onse, Gian Magdangal, Jason Fernandez, Jimi Marquez, Justin Alva, Markki Stroem, Matmat Centino, Rhap Salazar, RJ Dela Fuente, Roxanne Barcelo, at Thor Dulay.

 

Sa pagharap sa press nila DJ Onse, Rhap Salazar, at Matmat Centino ibinahagi nila ang kanilang nararamdaman sa mga magaganap pa sa huling linggo ng kumpetisyon.

WATCH: Roxanne Barcelo fulfills father’s wish on ‘Tawag ng Tanghalan’

"Dito kaya siya nakakatakot kasi kung halimbawa may history ka ng pagiging singer, tapos mago-Gong ka, parang nakakababa ng budget," biro ng Radio DJ at Stand Up comdian na si DJ Onse.

"I've been through different competitions, lumaki po ako nang kontesero, pero iba yung feeling talaga kapag may Gong, tsaka iba yung feeling na alam ng mga tao na singer ka at mataas ang expectations sa 'yo. So talagang gagalingan mo e," pag-amin ni Rhap na maaalalang nakasali na noon sa international singing competition na X Factor UK.

Parehong sentimyento naman ang binanggit ni Matmat, "Rehearsal pa lang hindi gano'n kadali, pangalawa pa si Manong Gong -- imbyerna ako do'n kasi laging nakaabang. So sabi ko kakantahin ko na lang yung kampanteng kampante ako," pahayag ng dating Miss Q and A finalist.

Bago matapos sa pagsagot, nagbigay naman ng mahalagang mensahe si Matmat tungkol sa mga kapwa contender na maaaring matalo o tanghaling grand champion.

"Whatever happens, whoever wins, walang matatalo... This is just an avenue for us to entertain once again, para kilitiin ang madlang people," paliwanag niya.

READ: Mystica, hinamon si Jaya sa isang singing showdown

Magsisimula ngayong Lunes, November 4 ang semi-finals hanggang sa Sabado, November 9, kung saan ay gaganapin ang grand finals, at tatanghalin ang kaunaunahang celebrity grand champion.