• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Yes malalasing si mami’: Angelica Panganiban at Bea Alonzo sumabak sa kakaibang drinking game

‘Yes malalasing si mami’: Angelica Panganiban at Bea Alonzo sumabak sa kakaibang drinking game

Nakakaaliw na sumabak ang ‘Unbreakable’ lead stars na sin Angelica Panganiban at Bea Alonzo sa isang drinking game.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/30/2019 12:25 PM
‘Yes malalasing si mami’: Angelica Panganiban at Bea Alonzo sumabak sa kakaibang drinking game


Screenshot from Rec•Create YouTube

Nakakaaliw na sumabak sa kakaibang drinking game ang dalawa sa lead stars ng pelikulang Unbreakable na sina Angelica Panganiban at Bea Alonzo.

Sa game na pinasimulan ng YouTube channel na Rec-Create, naglaro ng 'Let's Be Honest: A Lie Detector Drinking Game' ang dalawang aktres. Dito makikita ang nakakatawang pag-inom nang sabay nina Bea at Angelica, kahit na dapat ay isa lang sa kanila ang iinom ng alak sa bawat round.

"We got Bea Alonzo and Angelica Panganiban to face each other and test their #Unbreakable friendship with a lie detector drinking game. Magkakaalaman na," ayon sa description ng video.

Panoorin ang buong video dito:

 

 

Sa comment section, maraming netizens ang natuwa sa nakakaaliw na paglalaro ng dalawa.

Showing na sa mga sinehan ang pelikulang Unbreakable. Sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar, kasamang bumida sa pelikula si Richard Gutierrez.