• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘There is beauty in pain’: Bea Alonzo, ibinahagi ang proseso niya sa pagmu-move on

‘There is beauty in pain’: Bea Alonzo, ibinahagi ang proseso niya sa pagmu-move on

Ipinaliwanag ni Bea Alonzo kung paano nakatulong sa kaniyang pagmu-move on ang katagang, ‘one day at a time.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/30/2019 12:57 PM
‘There is beauty in pain’: Bea Alonzo, ibinahagi ang proseso niya sa pagmu-move on


Masayang humarap at ikinuwento ng Kapamilya actress na si Bea Alonzo, ang pinagdaanang pagmu-move on kamakailan.

Sa interview ng mga momshie hosts sa episode ng Magandang Buhay nitong Biyernes, November 29, ipinaliwanag ni Bea kung paano nakatulong sa kaniya ang katagang, 'one step at a time'.

"'Yung quote na 'yon ay nakatulong talaga sa akin. Kasi during the time na hindi ako okay, parang lagi kong iniisip, darating pa kaya 'yung araw na magiging masaya ako ulit?'

"So iniisip ko, baka kailangan to take each day at a time, one day at a time, one step at a time. And ngayon, parang hindi ko napansin na okay na, okay na ako. Nakatulong siya," paliwanag ni Bea.

Tinutukoy ni Bea ang kontrobersiyal na breakup niya sa aktor na si Gerald Anderson. Matapos masangkot sa isyu ng third party kasama si Julia Barretto, sinuguro ni Bea na naka-move on na siya ngayon.

"Sa totoo lang, sa mga taong may pinagdadaanan, akala mo wala ng liwanag, wala ng solusyon ang lahat ng problema o hindi ka na magiging masaya. Kumapit ka lang kasi talagang darating ang panahon na magiging okay ka rin," pagpapatuloy ni Bea.

Masayang sumang-ayon ang momshie hosts sa ibinahagi ni Bea.

Pagpapatuloy pa ng aktres, "Na-realize ko there's beauty in pain, there's beauty in enduring the pain because eventually iba 'yung baon mong aral."

 

Read:Bea Alonzo, nilinaw na magkaibigan lang sila ni Dominic Roque

Bida si Bea sa bagong pelikula mula sa Star Cinema na Unbreakable. Sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar, kasama ni Bea na bumida sina Angelica Panganiban at Richard Gutierrez.

Read:Bea Alonzo at Angelica Panganiban, inaming hindi nag-uusap noon

Mapapanood na sa mga sinehan ang Unbreakable.