• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos, wins Best Actress at 41st Cairo International Film Festival

Judy Ann Santos, wins Best Actress at 41st Cairo International Film Festival

Si Judy Ann Santos ang pangalawang Pinay na nakasungkit ng Best Actress award sa Cairo International Film Festival.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/30/2019 10:16 AM
Judy Ann Santos, wins Best Actress at 41st Cairo International Film Festival


Wagi bilang Best Actress sa naganap na 41st Cairo International Film Festival ang Kapamilya star na si Judy Ann Santos.

 

 

Para ito sa kanyang naging pag ganap sa pelikulang Mindanao sa direksyon ng award-winning director na si Brillante Mendoza.

Bukod sa Best Actress award ni Juday, binigyang pagkilala rin ang Mindanao bilang Best Artistic contribution sa naturang film festival.

Matatandaan na una nang umangat ang obra ni Direk Brillante sa naganap na 24th Busan International Film Festival.

1995 naman ng mapanalunan ni Nora Aunor ang Cairo International Film Fest Best Actress para sa The Flor Contemplacion Story.

Mapapanood ang Mindanao dito sa Pilipinas  sa darating na Pasko bilang isa sa mga pelikulang kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival.