• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Dimples Romana wants to finish college by attending regular school

EXCLUSIVE: Dimples Romana wants to finish college by attending regular school

Maraming beses na daw sinubukan ni Dimples Romana na bumalik sa pag-aaral ngunit nagkakaroon siya ng bagong project kaagad.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/30/2019 1:38 PM
EXCLUSIVE: Dimples Romana wants to finish college by attending regular school


Photo credit: @dimplesromana on Instagram

Kahit very successful na sa kanyang showbiz career at pagiging businesswoman ay hindi pa rin isinasantabi ni Dimples Romana ang pangarap niya na makatapos ng college.

Ayon sa ambassador ng JuanLife Personal Accident Insurance ay pipilitin pa rin niyang magkaroon ng college diploma sa kabila ng mga na-achieve na niya sa buhay.

Kumuha ng kursong Tourism noon si Dimples sa University of Sto. Tomas (UST) kaya lang hanggang three years lang siya do’n. Two years naman siyang nag-aral ng Culinary sa Enderun na hindi rin niya natapos.

Ani Dimples sa PUSH, “Alam mo, it’s always my frustration to finish my studies kasi when I came back to Enderun, that was around the time I thought I could finish it. But then One More Chance came along and it was such a big role that I couldn’t pass it up.

“Pero ang saya lang because I got to have good friends sa network, tsaka ang maganda natuto rin ako ng pagsasalita. Yung pagluluto dati natuto ako sa kusina, mas technical na ngayon kasi naturuan na ako. Yung Tourism naman, yung mga lifetime friends ko coming from UST lahat.”

Choice din daw ng aktres na huwag muna niyang tapusin ang pag-aaral para sa kanyang mga kapatid.

“Alam mo, nagkaroon ako ng choice noon. Ito kasi ang nangyari diyan, eh, patapos yung kapatid ko noon ng Nursing, and as you know, kahit nagkapamilya na ako, napakabait ng asawa ko dahil hinahayaan niya akong magbigay pa rin sa pamilya ko.

“May college pa kasi akong kapatid, eh, so may mga pagkakataon na uunahin mo yung pagiging ate mo. So, dahil alam ko na nung nag-i-school ako mahihirapan kami na mapag-aral ng Nursing yung kapatid ko kaya siya muna yung sinuportahan ko,” kuwento ni Dimples.

Eh, kailan ba naman niya balak mag-aral ulit?

Tugon ng aktres, “Actually, yan ang next phase ko, kaya lang ang problema, bago ako matapos ng teleserye, may teleserye na ako ulit na gagawin.”

Eh, bakit di siya mag-enroll sa Open University?

“Actually, nagbalik nga po ako ng UST, tsinek ko rin sa mga dean ko, kaya lang don kasi kailangan talaga per pack, so kailangan talaga may block ako.

“Hindi nawawala sa plano ko ang mag-aral. Ano lang, parang siguro gusto ko lang munang i-secure yung mga kapatid ko. Iisa na lang naman ang nag-aaral sa amin,” lahad pa ni Daniela Mondragan ng sikat na seryeng Kadenang Ginto.

Ipagpapatuloy ba niya ang Culinary course niya or Tourism?

“Alam mo, dahil may ilang business na ako, I might just do Business Administration para magamit ko rin. Pero hindi naman po ako nagmamadali just like with other things, very very patient po ako.
 
“Actually, binigyan na ako ng list ng mga subjects na kailangan kong kunin. Kasi yung iba naman, maki-credit din.

“Alam mo gagawin ko na dapat yan after Bagani, kaso iba ang plano ni Lord, eh. I think may mga pagkakataon din, eh, na bubulungan ka Niya. Biruin mo kung hindi ko tinanggap yung Kadenang Ginto, walang Daniela,” pahayag pa niya.

Ipinagmalaki rin ni Dimples kung gaano kababait ang mga kapatid na pinag-aral niya.

“Alam mo, ang cute nga ng mga kapatid ko, eh. Parehong nakatapos yon pero kahit minsan hindi humingi sa akin yon ng pang-laptop. Kung tutuusin puwede nilang gawin ha, ‘Ate pahingi akong pang-laptop.’ Hindi. Kasi sobrang bait ng mga kapatid ko.

“Alam nila na kung gaano namin pinaghirapan. Ako, hinihintay ko lang, eh. Kasi ayaw ko rin… yung kapatid ko pa man ding lalaki alam mo naiinsulto yon kapag bibigyan mo. Kasi pakiramdam niya hindi niya pinagpupursigihan,” nakangiti niyang kuwento.

Konting panahon na lang ay tapos na ng college ang bunsong kapatid ni Dimples.

“Sabi nga ng asawa ko, ‘You want to start now (studying)?’ Kaya lang sabi ko, the reason why I don’t want to go sa Open University because ang gusto ko sana ay yung pumapasok talaga sa school. Gusto ko yung ganun kasi na-enjoy ko yon, eh, nagkaroon ako ng maraming kaibigan,” wish ni Dimples once bumalik siya sa pag-aaral