• Home
  • Fresh Scoops
  • Kino-convince ko talaga si Vice’: Ogie Diaz, nais magkaroon ng sariling anak si Vice Ganda

Kino-convince ko talaga si Vice’: Ogie Diaz, nais magkaroon ng sariling anak si Vice Ganda

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/3/2019 11:19 AM
Kino-convince ko talaga si Vice’: Ogie Diaz, nais magkaroon ng sariling anak si Vice Ganda


Pinagiisipan na umano ngayon ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang posibilidad ng pagkakaroon ng sariling anak.

Ito ay ayon sa kanyang matalik na kaibigan na si Ogie Diaz matapos ang minsan niyang pagimbita dito sa debut ng kanyang anak.

Kuwento ni Ogie, kinukumbinse niya na rin ang kaibigan na magkaroon ng anak.

"Dumating siya noong birthday ng anak ko, debut. Sabi ko sa kanya, 'Te, mag-anak ka na.' 'Te, hindi ko kaya!' 'Mag-anak ka na, 'te. Tumatanda ka na. Ilang taon ka na, 45?' 'Te ayaw ko naman na ako ang aalagaan ng anak ko pagdating ng araw, ganyan.' Sabi ko, 'Noon mo pa inisip 'yan ah. Kung noon mo pa ginawa, hindi mo na maiisip 'yan,' sabi ko sa kanya. 'Te, hindi ko talaga kaya,'" masayang kuwento ng dating talent manager ni Vice.

Para kay Ogie, na may limang anak, makakatulong sa kaibigan ang responsibilidad ng isang tatay.

"Sabi ko, 'Alam mo, maiiba 'yung perspective mo sa buhay, 'yung outlook mo sa buhay, even your jokes maiiba, 'yung alam mo na kung paano maging tatay.' Kino-convince ko talaga si Vice. Sabi niya, 'Pag-iisipan ko.'"

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A BEAUTIFUL AND BEST CHRISTMAS to you and your family from ours.

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

"Sabi ko sa kanya, 'Te, tandaan mo, pag ikaw sikat na bading tapos namatay ka, makakalimutan ka na ng mga tao. Pero kapag mayroon kang iniwan na buhay na monumento, mayroon kang buhay na alaala, maalala ka nila through that person," aniya pa.

"Pag mayroon kang iniwan na buhay na alalaa, lagi kang maalala ng mga tao. Na mi-meet nila 'yan, 'tatay ko si Vice Ganda.' Napapaisip siya. 'Pag-iisipan ko talaga 'yan, 'te. Actually 'yung mga friends ko, sinasabi nila na mag-anak ako eh.' Kasi nga nagawa ni Joel Cruz, 'di ba?"