Toni Gonzaga, Boy Abunda magbabalik ‘The Buzz’?

Kapamilya TV hosts na sina Toni Gonzaga at Boy Abunda willing bang bumalik sa The Buzz kung ito’y eere muli?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/29/2019 7:41 PM
Toni Gonzaga, Boy Abunda magbabalik ‘The Buzz’?


Sa kamustahan nina Boy Abunda at Toni Gonzaga sa Tonight with Boy Abunda kagabi, Nobyembre 28, hindi naiwasan mapagusapan ng dalawa ang paghiling ng ilang netizens nang pagbabalik ng showbiz talk show na The Buzz, kung saan sila ay naging hosts ng apat na taon. Madami kasing naging pangyayari sa mundo ng showbiz kamakailan kaya't parang na-miss ng mga tao ang mga revelations sa talk show tuwing Linggo ng hapon. 

Bungad na tanong agad ni Boy kay Toni, willing pa ba itong mag-host ng The Buzz sakaling magbalik ere ito? 

"Working with you Tito Boy anytime, I would say yes. Because I learned so much from you and being with you para akong laging may natutunan. If there's one thing I learned from hosting it's important for you to listen, when you listen you learn something new. When you talk, you are just repeating what you already know.," sagot ng aktres. 

Nang ibalik naman ni Toni ang katanungan kay Boy, aminado itong hindi siya sigurado sa ideyang ito. 

"Hindi na ako sigurado. Kasi iba na yung landscape, nandiyan na yun social media, nandiyan na yun bilis ng balita, nandiyan na yun immediate na reaksyon ng tao, ng mga artista, ng mga guests, so I'm not sure," pahayag nito.  

Sinangayunan ito ni Toni at sinabi ring di niya mapapanindigan ang sagot sa ngayon. 

"'Di ko sya masagot ngayon Tito Boy. Feeling ko 'pag sinabi kong yes, ok, go, pero di mo pa din alam ano pa talaga. Siguro 'pag nandyan na yun opportunity, 'pag nandyan na talaga tsaka ko masasabing yes, pero sa ngayon 'di ko pa talaga masagot." 

Nag-reminisce na din ang dalawa sa pinagsamahan nila sa show. Sinabi ng veteran TV host na may ugaling tumatak sa kanya ang aktres. 

"I remember you as a person and as a professional who has so much respect for your parents. daddy Bonoy laging kasama sa auditions, the way you love and adore Mommy Pinty. Dumikit yan sa aking puso." 

Si Toni naman, sinabi na ang pagmamahal ni Boy sa kanyang ina ang tunay na hinangaan niya sa kanyang The Buzz co-host. 

"You are grounded Tito Boy. You are grounded to your reason to doing all these things you are doing. One is you really want to make your nanay proud, and yun ang pinaka tumatak sa akin. Sa lahat ng gagawin ko lagi kong iisipin, magiging proud ba sa akin ang nanay ko? Sa gagawin ko? Sa sasabihin ko? Sa ipapakita ko sa telebisyon? 'Yun ang di ko makakalimutan, more than the brilliant interviews you have done. wala na makaka-contest nun, for me na ikaw ang pinaka mahusay na mag-interview dito sa Pilipinas. But more than that what I admire most about you is your love for your family, for your mom," sabi niya. 

Panoorin ang interview ni Boy kay Toni dito: