Maricel Soriano ibang-iba sa ‘The Heiress’

Maricel Soriano, natutuwa na natatakot ang manonood sa ‘The Heiress’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/29/2019 12:06 PM
Maricel Soriano ibang-iba sa ‘The Heiress’


Kakaibang Maricel Soriano ang mapapanood ng mga tao sa horror film ng Regal Entertainment na The Heiress na showing na ngayon sa mga sinehan.

Sa simula pa lang ng mga eksena niya sa pelikula ay ipinakita na kaagad ang pagiging “old maid” ng Diamond Star who is playing the role of Luna, tiyahin ng karakter ni Janella Salvador na gumaganap naman as Guia.

Maricel’s character was always wearing a long black dress throughout the film with matching long hair para mas lumabas na nakakatakot siya bilang mambabarang. Sinadya ring ibahin ang make-up ni Maricel sa movie to show her dark side.

Tuwing may mga nakakatakot na eksena sa pelikula at nagugulatang audience ay masayang-masaya naman ang Diamond Star.

“Natutuwa ako kapag nagtitilian sila at natatakot. Ibig sabihin, effective yung mga eksena namin,” reaksyon ni Maricel pagkatapos ng successful premiere night ng The Heiress na ginanap sa SM Megamall Cinema 7 noong November 26.

Isang eksena ni Maricel sa The Heiress ang pinalakpakan ng audience dahil sa galing nito habang nakikipag-confrontation siya kay Sunshine Cruz na gumaganap naman bilang ina ni Janella. Muli ay ipinakita ni Maricel na kahit horror ang ginagawa niyang pelikula ay hindi pa rin maiiwasang mag-inject siya ng dramatic moment kung saan mas hinahangaan siya ng mga tao.

Present sa premiere night ng The Heiress si Arjo Atayde toshow his support kay Maricel na nakasama niya sa teleseryeng The General’s Daughter.

Ayon naman sa director ng pelikula na si Frasco Mortiz, nakahinga na siya nang maluwag namang marinig ang reaksyon ng mga taong nakapanood ng pelikula. Pero aniya, nando’n pa rin ang kanyang panghihinayang na hindi nakapasok sa 2019 Metro Manila Film Festival ang pelikula.

“Ginawa talaga namin ang The Heiress for the filmfest kaya may panghihinayang talaga,” sambit pa ng director.

To show their support for Janella, present din ang ilan sa cast ng The Killer Bride na pinangungunahan ni Maja Salvador (escorted by her boyfriend) at si Alexa Ilacad sa premiere night ng pelikula. Hindi naman nakarating si Joshua Garcia dahil may previous commitment daw ang aktor.

Mas nakadagdag takot factor sa The Heiress ang presence ni Mamalarang lumulukob sa isang mambabarang para madaliin ang pagsasalin ng kanilang kapangyarihan sa itinakda tagapagmana na si Guia. Tuwing aapir sae ksena ang Mamalarang ay hindi mapigilan ng mga tao ang magtilian.

Samantala, bukod kina Maricel, Sunshine at Janella ay kasamarin sa The Heiress si McCoy de Leon na gumanap naman bilang love interest niJanella sa movie. Graded B ng CEB ang pelikula.