• Home
  • Fresh Scoops
  • Kyle Echarri, Francine Diaz, ibinahagi kung ano ang kanilang theme song

Kyle Echarri, Francine Diaz, ibinahagi kung ano ang kanilang theme song

Ibinahagi nila Kyle Echarri at Francine Diaz ang kuwento tungkol sa kanilang theme song na ‘Make It With You.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/29/2019 11:21 AM
Kyle Echarri, Francine Diaz, ibinahagi kung ano ang kanilang theme song


Masayang ibinahagi ng tambalang Kyle Echarri at Francine Diaz o KyCine ang kuwento sa likod ng 'Make It With You' cover ni Kyle Echarri na dedicated di umano kay Francine Diaz. Sa kanilang interview sa PUSH Bets Live, sinabi ni Kyle na nagmula pa sa kaniyang ama ang nasabing kanta.

"Ako lagi ko po yun pinapakinggan umpisa nung bata pa lang ako kasi yun papa ko mahilig sa mga gano'n. Tapos may isang araw na gumawa ako ng playlist ng mga paborito kong kanta. Tapos yung kantang yon ishinare ko kay Francine," kuwento ni Kyle.

Ipinost ni Kyle ang nasabing cover noong September 5, sa kaniyang YouTube Channel. Ayon sa description nito, dedicated ang kanta sa kaniyang best friend at 'girl-friend' na si Francine.

"Dedicating this song to my best friend, Francine Diaz. I always believe that everything happens for a reason and during those times I needed someone to just listen to me, you were there," ayon sa description ng video.

Nang tinanong naman si Francine kung anong kanta ang iaalay niya kay Kyle, ibinigay ng aktres ang kantang 'With A Smile'.

Panoorin ang interview dito:

Bida ang KyCine sa bagong iWant digital movie na Silly Red Shoes. Kasama ang isa pang digital movie ng SethDrea o Seth Fedelin at Andrea Brillantes na Wild Little Love, mapapanood sa iWant ang dalawang pelikula nang libre.