• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto sa kaniyang bagong MMK episode: ‘Mas nagkaroon ako ng idea to help raise awareness about mental health’

Julia Barretto sa kaniyang bagong MMK episode: ‘Mas nagkaroon ako ng idea to help raise awareness about mental health’

Gaganap bilang may bipolar manic and depressive condition si Julia Barretto para sa bagong episode ng ‘Maalaala Mo Kaya.’

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

11/29/2019 11:09 AM
Julia Barretto sa kaniyang bagong MMK episode: ‘Mas nagkaroon ako ng idea to help raise awareness about mental health’


Photo credit: @juliabarretto IG

Malaki ang pasasalamat ng Kapamilya actress na si Julia Barretto sa bagong proyektong pagbibidahan sa Maalaala Mo Kaya, ngayong darating na Sabado, November 30.

“I’m really thankful for this episode because I feel like as we speak, and after doing the episode, mas nagkaroon ako ng idea to help raise awareness on these kind of things sa mental health,” pahayag ni Julia sa interview ng PUSH.

Pag-amin ng aktres, may mga taong malalapit sa kaniya na may kaparehong kundisyon.

“I have people who were close to me are going through the same thing. So I think this is really an opportunity and honor for me to be doing, because gusto ko ring maging voice ng mga taong may kondisyon na ganito and I wanna help raise awareness that something like this is really happening as we speak,” paliwanag ni Julia.

Gaganap bilang may Bipolar Manic and Depressive condition si Julia sa episode ng MMK na Always Keep Going. Ayon sa aktres, naging maingat siya sa pagganap dito dahil na rin sa pagiging sensitibo ng tema.

“It’s a very sensitive topic and I really wanted to give justice to the role. As much as possible ayokong magkamali sa pag-e-execute and sa pag-translate ng pain and mga napagdaanan niya,” ani Julia.

READ: Netizens, nadala sa teaser ng MMK na pagbibidahan ni Julia Barretto

Ibinida rin ni Julia sa PUSH ang plano ng kaniyang kapatid na si Claudia Barretto na pangunahan ang isang malaking campaign para sa adbokasiya ng mental health.

“Claudia is going to have really big event for this campaign. I think she’s going to launch it next year, kasi tinatapos niya pa lang, ang dami pa niyang pine-prepare for this campaign. It’s going to be big, it’s going to be huge,” pagbabahagi ni Julia na magiging bahagi rin bilang volunteer.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🖤

A post shared by Julia (@juliabarretto) on

 

Mapapanood ngayong Sabado ang MMK: Always Keep Going, pagkatapos ng Your Moment.