• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Romnick Sarmento, ikinuwento kung paano sila nagkakilala ni Coco Martin nung nagsisimula pa lang ito sa showbiz

EXCLUSIVE: Romnick Sarmento, ikinuwento kung paano sila nagkakilala ni Coco Martin nung nagsisimula pa lang ito sa showbiz

Romnick Sarmenta, di daw nagbago ang pagiging magalang at mapagkumbaba ni Coco Martin

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/29/2019 12:12 PM
EXCLUSIVE: Romnick Sarmento, ikinuwento kung paano sila nagkakilala ni Coco Martin nung nagsisimula pa lang ito sa showbiz


Romnick on Coco: ‘He hasn’t change’

Ayon sa kuwento ni Romnick Sarmenta, hindi pa sikat si Coco Martin ay nagkakilala na sila ng aktor ng bida sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“I met him years ago, parang may time na may ginawa siyang film dati kasi si Harlene (Bautista), mga early 2000 yon. Na-meet ko siya, parang nag-i-start pa lang yata siya no’n.

“Palabati naman yan, magalang na bata, di ba? Tapos after that hindi na kami nagkita until one time nagkausap lang kami sa IG na parang, ‘sana magkatrabaho tayo minsan.’ Sabi ko, ‘Oo nga, eh, sige,’” lahad ni Romnick sa PUSH about his first encounter with Coco.

Nagulat na lang si Romnick na pagkatapos niyang gawin ang teleseryeng Halik nina Jericho Rosales, Yen Santos, Yam Concepcion, at Sam Milby ay merong kumausap sa kanya para sa Ang Probinsyano.

Kuwento ni Romnick, “Then after nung Halik biglang may lumapit sa akin, kukunin daw nila ako sa Probinsyano, sabi ko, sige. Ang akala ko guesting lang kasi ang dami nga nila, di ba?

“Tapos hindi agad natuloy yon, that was the time na lumabas yung kay Judy Ann (Santos). Tapos parang sabi ko, hindi naman puwedeng magsabay-sabay, di ba, kasi gusto naman nilang mabigyan ng focus lahat. And then after noon biglang sabi, ‘Kuya, this coming week na.’ Sabi ko, okey.”

Nu’ng una ay hindi pa malinaw kay Romnick kung ano ang magiging role niya sa teleseye ni Coco.

“Pagdating ko sa set hindi ko alam kung ano yung role ko. Wala akong costume na dala. Nag-motor lang ako papuntang taping. Sabi ko, walang pinadalang kahit ano sa akin. ‘Okey lang po, kami ang bahala, may damit kami for you.’

“Tapos tanongulit ako, ‘Anong gagawin ko?’ ‘Ah, Kuya pagbabarilin mo lang sila na naka-motorka tapos alis ka na. Tapos okey ka na po for tonight.’ So ganun lang nag-start,” kuwento niya sa PUSH.

Patuloy ng aktor, “And then after a couple of months, sabi ng mga director, ‘Oh, meron na tayong heart for you character, ito yung gagawin namin, ilalapit ka namin kay Coco.’ Ako na nga si Juan.

“Tapos nagkita kami ni Coco for the first time on the set after so long. He hasn’t changed. I mean, he still the same guy. Very light, very magalang, hanggang ngayon pino-po-po ako non, kinu-kuya ako.”

Kahit first time pa lang ulit nilang nagkita ni Coco after a long time ay may pabor daw agad siyang hiningi sa aktor.

“To be very honest, sinamantala ko na the first time nagkita kami ulit kasi I’m part of Make A Wish Philippines. Sinabi ko sa kanya na may mga batang gusto siyang makita. And yung mga batang yon may karamdaman na gusto talaga siyang makita and Thursday of the same week pinagbigyan niya ako. He’s a very down to earth guy,” papuri pa niya sa aktor.

“Mabait ang Diyos kasi hindi ako nababakante and I’m very grateful. I enjoyed working again, do’n ko nga lang naisip nana-miss ko pala ito, yung ganun. Tapos while working naramdaman ko ulit na, ‘Yeah, gusto ko nga pala itong ginagawa kong ito,’” huling pahayag niya sa PUSH interview.