• Home
  • Fresh Scoops
  • Dimples Romana, hindi inasahang tatatak ang karakter niya sa ‘Kadenang Ginto’

Dimples Romana, hindi inasahang tatatak ang karakter niya sa ‘Kadenang Ginto’

Gumaganap bilang Daniela Mondragon si Dimples Romana sa Kadenang Ginto.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/29/2019 3:22 PM
Dimples Romana, hindi inasahang tatatak ang karakter niya sa ‘Kadenang Ginto’


Photo credit: @dimplesromana IG

Kilalang kilala ngayon si Dimples Romana sa kanyang karakter bilang kontrabidang si Daniela Mondragon sa hit teleserye na Kadenang Ginto, at inamin naman niyang natutuwa siya at hindi niya ito inasahan.

“Hindi kasi ako ganun. Ever since ang goal ko lang naman sa pag-aartista ay ‘yung may trabaho ako, mayroon lang akong gagawin na teleserye. Ganun lang naman ang gusto kong mangayari sa karera ko, ‘yung hindi lang ako mawala,” kwento ni Dimples sa ABS-CBN News.

Dahil na rin dito ay aminado naman siyang bumubuhos ang mga biyaya sa kanya ngayon.

“Happy ako kasi ‘yung mga pinto na nabubuksan, hindi lang naman para sa akin ‘yun e, para sa lahat ng character actress ‘yun, na mayroon din silang dream na makapag-endorse in the future,” aniya.