• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: BTS ng prenup video ni Vhong Navarro at girlfriend na si Tanya

PANOORIN: BTS ng prenup video ni Vhong Navarro at girlfriend na si Tanya

Inaasahan na ngayong araw, Nobyembre 28, gaganapin ang pag-iisang dibdib nina Vhong at Tanya sa Kyoto, Japan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/28/2019 3:18 PM
PANOORIN: BTS ng prenup video ni Vhong Navarro at girlfriend na si Tanya


Ipinasilip ng Metrophoto, ang official photographer ng nalalapit na kasal ng It’s Showtime host na si Vhong Navarro at ng longtime girlfriend nito na si Tanya Bautista, ang behind-the-scenes na prenuptial shoot ng magkasintahan.

Sa video, masayang kinuhanan sa iconic na lugar sa Vietnam ang ilan sa mga inilabas na retrato nina  Vhong at Tanya.

 

 

Inaasahan na ngayong araw, Nobyembre 28, gaganapin ang pag-iisang dibdib nina Vhong at Tanya sa Kyoto, Japan na nakatakdang daluhan ng kanilang malalapit na kaibigan.