• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador, proud kay Janella Salvador sa bago nitong pelikula

Maja Salvador, proud kay Janella Salvador sa bago nitong pelikula

Isa si Maja Salvador sa mga dumalo sa ginanap na premiere night ng pelikulang The Heiress nitong gabi ng Martes upang ipakita ang kanyang suporta sa kanyang pamangkin at kapwa aktres na si Janella Salvador.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/28/2019 12:21 PM
Maja Salvador, proud kay Janella Salvador sa bago nitong pelikula


Isa si Maja Salvador sa mga Kapamilya stars na dumalo sa ginanap na premiere night ng pelikulang The Heiress nitong gabi ng Martes upang ipakita ang kanyang suporta sa kanyang pamangkin at kapwa aktres na si Janella Salvador.

Sa panayam ng ABS-CBN News, ipinagmalaki ni Maja ang kanyang co-star sa primetime series na The Killer Bride sa ipinamalas nitong pag-arte sa nasabing horror film.

“Noong nag-start nga kami ng The Killer Bride, may mga workshop kami together, parang kung ano ‘yong napag-usapan namin doon, nakikita ko 'yong resulta,” ani Maja.

“For sure dito sa kaniyang bagong pelikula, binigay din niya 'yong 1,000 percent niya,” dagdag niya.

Umiikot ang kwento ng The Heiress sa isang makapangyarihang mambabarang (Maricel Soriano) at ang kaniyang pamangkin (Janella Salvador).

Kasama ni Maja na dumalo sa red carpet premiere ng pelikula ang kanyang nobyo na si Rambo Nuñez.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Maja Salvador with Rambo Nuñez during #TheHeiressPremiereNight

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

 

Samantala, laking tuwa rin ni Maja na ipinagpapatuloy pa rin nila ni Janella ang legacy ng kanilang showbiz clan na kinabibilangan din ng action star na si Philip Salvador.

“Ume-age na rin tayo but ‘yong kaming 2 ‘yong nandito pa rin [sa showbiz], sobrang nakakatuwa,” aniya.

Mapapanood na sa mga sinehan ang The Heiress na idinirek ni Frasco Mortiz sa ilalim ng Regal Films.