John Lloyd Cruz, present sa kasal ni Vhong Navarro

Full support ang mga kasamahan ni Vhong Navarro sa ‘Kanto Boys’ na sina John Lloyd Cruz at Billy Crawford sa araw ng kanyang kasal.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/28/2019 4:58 PM
John Lloyd Cruz, present sa kasal ni Vhong Navarro


Marami ang nagulat nang mamataan ang aktor na si Lloyd Cruz bilang isa sa mga dumalo sa kasal ng “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro sa girlfriend nito na si Tanya Bautista ngayong araw Nobyembre 28, sa Kyoto, Japan. 

Kita ang aktor sa isang Instagram story na inupload ng kasamahan ni Vhong sa noontime show na si Ryan Bang. 

Kabilang din sa mga dumalo ng espesyal na okasyon si BIlly Crawford, na dating host ng "It’s Showtime" at kasama ni Vhong at John Lloyd sa grupong "Kanto Boys."   

READ: Vhong Navarro marries Tanya Bautista in Japan

Bukod kay John Lloyd at Billy, present din ang ilan sa malalapit na kaibigan ni Vhong sa showbiz tulad nina Kim Atienza, Ryan Bang, Coleen Garcia, Anne Curtis at Vice Ganda