• Home
  • Fresh Scoops
  • Jerald Napoles, gusto makatrabaho ulit si Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Jerald Napoles, gusto makatrabaho ulit si Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Lumipat na ng talent management si Jerald Napoles.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/28/2019 12:14 PM
Jerald Napoles, gusto makatrabaho ulit si Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’


Photo credit: @vivaartistsagency and @cocomartin_ph IG

Pumirma na sa Viva ng five-year, 10 picture contract ang theater actor na si Jerald Napoles, boyfriend ng Viva artist na si Kim Molina. Ginanap ang contract signing nina Jerald at ng Viva executives nitong Lunes, November 25 sa opisina mismo ng Viva sa Pasig City.

Si Jerald ay dating mina-manage ng APT Entertainment at tumagal din siya dito for almost eight years bago ang maayos niyang pamamaalam na lilipat na siya sa Viva.

Ano ba ang pinakanagustuhan niya sa offering Viva at pumayag siyang magpa-manage exclusively?

“Bukod kay Kim ,(laughs) they offered me films. Ako po kasi nagsimula akong theater actor so pagpasok ko po ng showbiz, ang gusto ko lang po ay umarte lalo na po sa pelikula kasi po mas malapit po sensibilidad ng entabldo ang pelikula. Isang malaking factor po ng paglipat ko po yung mga pelikulang gagawin,” rason ng aktor.

Hindi rin daw siya inimpluwensyahan ni Kim na sundan siya sa Viva.

“Well, nag-usap po rin kami ni Kim since dito po talaga siya, Viva baby po kasi siya ever since, but pag sa trabaho po kasi magkahiwalay po talaga kaming desisyon.

“Kung wala man si Kim sa Viva and if they’re going to offer me something like what they offered me I’ll still accept po. Kasi she has her own success already, parang I don’t want to be…

“Kahit dyowa po ako ni Kim I don’t want to live in the shadow of that success also. Medyo nauna naman po ako kay Kim sa industriya so meron na rin po akong pinapangalagaang brand,” paliwanag ni Jerald.

Excited naman si Jerald sa posibilidad na makapagtrabaho sa ABS-CBN lalo na sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Lahad niya, “Kung saan po may trabaho. Wala naman po akong network contract. Sa ngayon po kung ano yung ibibigay tatanggapin ko.

“Pero sa ABS po kasi, kahit hindi po ako nakakapagtrabaho don, ang mga kadikit ko talaga do’n ay sina Coco po talaga, mga nakainuman. Tapos si Coco po talaga even before Probinsyano he called me personally at sinabi niyana meron siyang project na gusto niya ay kasama kami ni Pepe Herrera. And then Probinsyano came about but during that time there’s Sunday Pinasaya.”

Nakasama ni Jerald at Pepe si Coco sa pelikulang My Lady Boss na kung saan kapartner ni Coco si Toni Gonzaga na idinirek naman ni Antoinette Jadaone.

“Siguro nakita ni Coco kung paano kami nagtrabaho ni Pepe do’n sa isang eksena sa pelikula kaya siguro nung magkakaroon ng Probinsyano, naisip niya kami. Well, just in case lang po, kung mabibigyan ng pagkakataon,” sabi pa ni Jerald.