• Home
  • Fresh Scoops
  • JC de Vera, nilinaw na hindi ‘proposal photo’ ang kuha nila ng kanyang partner na kumakalat online

JC de Vera, nilinaw na hindi ‘proposal photo’ ang kuha nila ng kanyang partner na kumakalat online

JC De Vera, inaming napag-uusapan na nila ang pagpapakasal.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/28/2019 10:50 AM
JC de Vera, nilinaw na hindi ‘proposal photo’ ang kuha nila ng kanyang partner na kumakalat online


Photo credit: @akosijcdeberat IG

Nilinaw ni JC de Vera na hindi “proposal photo” nila ng partner niyang si Rikkah Alyssa Cruz ang lumabas kamakailan sa social.

“Hindi pa. Nagpa-picture lang kami for our page kasi… Sinabi ng lahat (na proposal) yon, pero hindi,” natatawa niyang komento.

“Kasi meron akong barkada talaga na photographer and we needed that photo para ilagay sa page namin so yon yung pinost ko. Kaya nga ang caption ko lang is ‘for the shot’ kasi yon yung pangalan ng company nung photographer – Stellar – that’s their tagline, eh, ‘for the shot’ kaya yon yung nilagay kong caption,” dagdag niyang paliwanag.

Masaya naman siya sa reaksyon ng marami sa photo na nag-conclude na nag-propose na nga siya sa girlfriend.

“Masaya ako, masaya ako kasi yon yung sa tingin nila and we’re also looking forward to it and alam din naman namin na pupunta kami doon. Pero wala pang specific, probably… basta pinag-uusapan pa lang.

“Ayokong pangunahan yung sarili ko. I mean, ayaw naming pangunahan ang lahat, gusto namin very well prepared kami. Right now we’re preparing, marami kaming malalaking ventures na darating this 2020.

“Outside show business marami kaming pini-prepare, so alam mo yon, lahat yon pinag-uusapan namin kasi yung asawa ko businesswoman siya at ako rin so marami kaming pinaplano pa,” lahad ni JC.

Ang tinutukoy ni JC na malalaking ventures nila ng partner sa 2020 ay ang kanilang restaurant and construction business.

Magkasama sina JC at Roxanne Barcelo sa pelikulang Love is Love ni Direk JB Sampedro at may isang sensitibong eksena ang dalawa kung saan hinawakan ni JC ang dibdib ni Roxanne.

Ani JC, bago kinunan ang eksena ay nag-usap daw muna sila ni Roxanne kung paano ito gagawin.

“Lahat naman pinag-uusapan namin and we make sure na lahat kami okay don sa eksena at hindi lang basta dapat siyang gawin. Lahat naman pinag-usapan namin and we make sure na may essence yon sa pelikula,” say niya.

Alam din daw ng partner niya na may ganun siyang gagawing eksena sa Love is Love.

Lahad ni JC, “Pinapabasa ko naman sa kanya ang script na ginagawa ko. Naiintindihan niya na aktor ako and trusted naman ako, eh. Alam niya naman na very professional ako pagdating sa mga ganyan, and very faithful and very loyal. Wala siyang masasabi talaga, kahit itanong niyo kay Roxanne sa set.”

Trabaho din lang daw ang lahat walang halong malisya.

“Aktor ako. I’m just working, ganun ako ka-professional. Hindi ko hinahaluan ng malisya yung ginagawa ko. Kung ano yung kakailanganin ko sa eksena, whatever I need to feel that moment ginagawa ko. Medyo malalim siyang pakinggan at mahirap siyang intindihin pero pag pumapasok kami don sa eksena tanggal lahat yung mga inhibitions namin,” rason pa niya.

Iginiit din ni JC na hindi siya ang taong hindi madaling matukso kahit pa may mga ganung eksena.

“Yung pagdating sa mga tukso-tukso na yan, pambata lang yan. Kumbaga, hindi ako ganun ever since. Lahat ng mga nakakatrabaho ko nirerespeto ko talaga. That’s why yung mga nakakatrabaho ko din nirerespeto din ako,” huling pahayag ng aktor sa PUSH.