• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo, nilinaw na magkaibigan lang sila ni Dominic Roque

Bea Alonzo, nilinaw na magkaibigan lang sila ni Dominic Roque

Para sa aktres na si Bea Alonzo, masyado pang maaga para pumasok muli siya sa dating scene ngayon.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

11/28/2019 11:29 AM
Bea Alonzo, nilinaw na magkaibigan lang sila ni Dominic Roque


Photo credit: @dominicroque IG

Tinuldukan ng Kapamilya aktres na si Bea Alonzo ang mga isyung namumuo sa kanila ng kaibigang si Dominic Roque.

Sa interview ni Bea sa press sa Unbreakable bloggers' conference, sinabi niya na matagal na silang magkaibigan ni Dominic.

“Si Doms, he's been our friend since 2016. Lumalabas na kami nila Paulo (Avelino) noon pa,” pahayag ni Bea na aminadong nagtataka kung saan nanggagaling ang mga isyu paglilink sa kaniya sa iba.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy Birthday Beyyy🤗⚡️❤️ #SeeingBEAnd #FujifilmPHxDom

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque) on

 

“Siguro kaya lang nali-link sa akin ang mga tao ngayon, because single ako, single din sila. Pero hindi pa naman ako nakikipag-date. Parang too soon hindi ba?” pagpapatuloy niya.

Maaalalang sinagot din ni Bea kamakailan ang pagkakalink niya rin kay Jake Ejercito sa kaniyang interview sa Tonight With Boy Abunda.

“Si Jake nga isang beses ko lang nakasama e, nung birthday party ko lang. Naaawa na nga ako sa kaniya lagi siyang nali-link sa akin. Baka naiirita na siya,” pahayag ni Bea sa naganap na blog con.

Bida si Bea sa bagong pelikula na Unbreakable, kung saan ay kasama niyang gumanap sila Angelica Panganiban at Richard Gutierrez. Mapapanood na sa mga sinehan ang Unbreakable.