• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban sa kaniyang ex-boyfriend: ‘Gusto niyang ayusin kasi gusto niyang makagawa pa kami ng pelikula’

Angelica Panganiban sa kaniyang ex-boyfriend: ‘Gusto niyang ayusin kasi gusto niyang makagawa pa kami ng pelikula’

Ayon kay Angelica Panganiban, isang beses lang nagtangkang humingi ng tawad at sa text pa, ang tinutukoy niyang ex boyfriend.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/28/2019 11:40 AM
Angelica Panganiban sa kaniyang ex-boyfriend: ‘Gusto niyang ayusin kasi gusto niyang makagawa pa kami ng pelikula’


Bukas sa pagsagot sa press tungkol sa kaniyang ex-boyfriend ang Unbreakable actress na si Angelica Panganiban, sa naganap na bloggers' conference nitong Miyerkules, November 27.

Dito, ibinunyag ni Angelica na may isang beses lang na nagtangkang humingi ng tawad ang tinutukoy niyang ex-boyfriend at gamit lang daw ang text.

“Gusto niyang ayusin kasi gusto niya makagawa pa daw kami ng pelikula. Pero hindi niya gustong i-revive yung friendship namin,” mainit na pahayag ni Angelica sa press habang pinag-uusapan ang kaniyang interview sa Tonight with Boy Abunda kamakailan.

Ayon sa interview ni Angelica sa TWBA, hindi pa siya handang magpatawad sa huling lalaki na nanakit sa kaniya, ang ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino.

Tapat ding sinagot ni Angelica sa naturang interview na ‘hindi pa rin nag-e-exist’ sa kaniyang buhay si Carlo, at hindi niya na-appreciate ang ‘sigurong’ pag-amin nito sa parehong talk show.

https://push.abs-cbn.com/2019/10/10/videos/carlo-aquino-inaming-pinaasa-lang-si-angelica-pan-218316

“Ako hindi naman ako naghihintay na may gawin yung isang tao para mapatawad ko siya. Kasi kahit ano namang gawin nila kung hindi ka pa talaga handa, hindi mo yun mabibigay. Hindi mo yun pwedeng ipilit e,” paliwanag ng aktres sa naganap na blogcon. 

Maaalalang bumida sa pelikulang Exes Baggage sila Angelica at Carlo noong nakaraang taon, kung saan ay naging isa sa mga box office hit ng 2018.

WATCH: Why Carlo Aquino no longer want to talk about Angelica Panganiban?

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

 

Kasama sila Bea Alonzo at Richard Gutierrez, bida si Angelica sa bagong pelikula na Unbreakable, na mapapanood na ngayon sa mga sinehan.