• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Mahirap ‘yun, that’s a gift!’: Erik Santos, bumilib sa trending performance ni Jona

‘Mahirap ‘yun, that’s a gift!’: Erik Santos, bumilib sa trending performance ni Jona

Abala rin si Erik Santos ngayon bilang coach at producer ng ilang YouTube videos/cover ni Zephanie Dimaranan.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

11/27/2019 12:13 PM
‘Mahirap ‘yun, that’s a gift!’: Erik Santos, bumilib sa trending performance ni Jona


Bukod sa paghahanda bilang guest sa concert ni Zephanie Dimaranan, abala rin si Erik Santos bilang coach at producer ng online content para sa Idol Philippines grand champion.

Sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News sa King of Teleserye Theme songs, ibinahagi nito ang plano niya para kay Zephanie, lalo na sa online presence nito.

“Gusto naming [gawing iba] yung Zephanie’s way of singing. Kasi ang gusto kong mangyari sa kaniya as a singer is, magkaroon siya ng sarili niyang sound na first line pa lang kapag narinig mo sa radyo, ‘Ay that’s Zeph’, and that’s really important,” paliwanag ni Erik.

Si Erik ang inatasan ng kanilang management para pangunahan ang pagbuo ng konsepto at atake sa mga kanta, ng mga gagawing song covers ni Zephanie para sa YouTube channel.

Samantala, sa parehong interview din, nagbigay ng reaksyon si Erik tungkol sa kamakailang pagbuhos ng paghanga kay Jona.

"I’m just so proud of Jona. Rehearsal pa lang namin nag standing ovation na kami, ibang klase," pahayag ni Erik tungkol sa classical/opera song cover ni Jona ng “Queen of the Night”, sa ASAP Rome, nitong Linggo.

"Natutuwa ako kay Jona kasi nabigyan siya ng pagkakataon na ma-expose yung ganung talent niya. Kasi ang alam natin kay Jona ay magaling siyang pop singer, o biritera. Pero ang hindi natin alam, ang dami pa niyang kayang gawin.

“‘Yun din kasi ang training niya e, classical. Actually operatic nga yung ginawa niya and mahirap ‘yun a. That’s a gift,” pagpapatuloy ni Erik.

Magiging guest artist si Erik sa darating na concert ni Zephanie sa November 28, sa New Frontier Theater.