• Home
  • Fresh Scoops
  • Janine Berdin, hindi matutuloy sa concert ni Zephanie Dimaranan

Janine Berdin, hindi matutuloy sa concert ni Zephanie Dimaranan

Malungkot na ibinalita ni Zephanie Dimaranan na hindi magiging kumpleto ang New Gen Champs sa kaniyang upcoming concert.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

11/27/2019 12:16 PM
Janine Berdin, hindi matutuloy sa concert ni Zephanie Dimaranan


Aminadong kinakabahan at excited na ang Idol Philippines grand champion na si Zephanie Dimaranan sa papalapit niyang major concert sa New Frontier Theater. Sa interview ng PUSH sa singer sinabi niya na todo ang kaniyang paghahanda para sa inaabangang performances.

"Iniiwasan ko nang kumain ng mga sweets or kahit uminom ng malamig kasi yung mga songs ko talagang medyo matitindi yung iba, pang-malakasan [talaga].

"Pero sabi ko sa sarili ko, after ng concert, kakain ako ng kahit anong gusto ko," pahayag ni Zephanie.

Sa parehong interview, malungkot na ibinalita ni Zephanie na hindi matutuloy ang pag-guest ni Janine Berdin sa kaniyang concert.

"Sad to say, hindi po siya makakasama kasi alam ko po as of now, nagpapahinga pa rin po siya and mayroon din po silang family matter na inaasikaso," ani Zephanie.

Nakatakda sanang mag-perform ang grupo nilang 'New Gen Champs' kasama ang kapwa champion na si Elha Nympha, sa pinaka-unang major concert ni Zephanie.

"So medyo malungkot po ako na hindi siya makakasama pero okay lang din po, naiintindihan po namin kasi mas priority niya pa rin po na ma-recover yung boses niya. Siguro sa ASAP, magkakasama na ulit kami," pagpapatuloy ni Zephanie.

READ: Janine Berdin diagnosed with Cushing’s Syndrome after acquiring vocal nodules

Maaalalang inanunsyo ni Janine ang tungkol sa kaniyang kundisyon na Cushing's Syndrome sa kaniyang Instagram post noong October 29. Dahil dito, naka-break muna si Janine sa pagpeperform sa ASAP at sa It's Showtime Online.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Love you always! 💚🥰 @janineberdin @elhamaenymphaofficial Thank you po for watching #ASAPNatinTo 💚

A post shared by Zephanie (@zephanieodhene) on

 

READ: Janine Berdin mourns death of her grandmother

Hindi man kumpleto, ay tuloy naman ang pagpeperform ni Zephanie kasama ang iba pa niyang guests tulad nila Regine Velasquez, Sarah Geronimo, Moira Dela Torre, Erik Santos, Elha Nympha, at  Top 4.